Inhenyeriyang sibil
Nangangailangan ang artikulong ito ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. (Agosto 2024) |
Ang inhenyeriyang sibil o inhenyeriyang pambayan ay isang disiplina ng inhinyeriyang prupesyunal na humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga kanal, mga prinsa, at mga gusali.[1][2][3] Ang inhenyeriyang sibil ay ang pinaka matandang disiplina ng inhenyeriya pagkaraan ng inhinyeriyang pangmilitar,[4] at binigyan ito ng kahulugan upang maipagkaiba ang inhenyeriyang hindi pangmilitar magmula sa inhenyeriyang pangmilitar.[5] Nakaugalian itong hinahati-hati sa ilang mga kabahaging disiplina na kinabibilangan ng inhinyeriyang pangkapaligiran, inhinyeriyang heoteknikal, heopisika, heodesiya, inhinyeriyang pangkuntrol, inhinyeriyang estruktural, biyomekaniks, nanoteknolohiya, inhinyeriyang pangtransportasyon, agham na pangmundo, mga agham na pang-atmospera, inhinyeriyang porensiko, inhinyeriyang urbano (inhinyeriyang munisipal), inhinyeriyang hidroliko (inheyeriya ng napagkukunan ng tubig) agham ng materyales (inhenyeriyang pangmateryales), pamamahala ng dalampasigan (inhenyeriyang kostal),[4] pagsusurbey, at inhinyeriyang pangkonstruksiyon.[6] Nagaganap ang inhenyeriyang sibil sa lahat ng mga antas: sa publikong sektor hanggang sa munisipal hanggang sa mga pamahalaang pambansa, at sa pribadong sektor mula sa mga indibidwal na nagmamay-ari ng kabahayan hanggang sa mga kompanyang internasyonal.
Kasaysayan
baguhinAng inhenyera ay aspekto nang buhay mula pa noong unang umiral ang mga tao. Ang pinakamaagang pag-gamit ng inhenyeriyang sibil ay maaaring naganap sa gitna ng mga taong 4000 at 2000 BC sa Sinaunang Ehipto at Mesopotamia (sa ngayon ay kinikilalang Iraq) noong sinimulang iwanan ng mga tao ang kanilang malagalag na paraan nang pamumuhay, dito nagbunga ang pangangailangan ng pag-gawa ng mga silungan. Sa panahong ito, ang transportasyon ay mas nabigyan ng halaga at dahit dito nabuo ang ideya ng gulong at ang paglayag.
Sa ikalabing-walong siglo, ang terminong civil engineering (o sa Tagalog, inhenyeriyang sibil) ay inilikha upang masama-sama ang lahat ng aspetong pangsibilyan at makita ang pagkakaiba nito sa inhenyeriyang pangmilitar. Ang unang-unang nagpahayag sa sarili bilang isang inhenyerong sibil ay si John Smeaton, ang nagtayo ng Eddystone Lighthouse. Sa 1771, si Smeaton at ang ilan sa kanyang mga kasamang inhenyerong sibil ay bumuo ng Smeatonian Society of Civil Engineers, isang grupong binuo ng mga lider ng kanilang propesyon na nagkaroon ng mga impormal na mga pagkikita. Bagama’t may ebidensya na may mga teknikal na miting na naganap, mas kinikilala parin ito para sa pakikipagkapwang aspeto nito.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The American Heritage Dictionary of the English Language, Fourth Edition. Houghton Mifflin Company, 2004. [1] (accessed: 2007-08-08).
- ↑ "History and Heritage of Civil Engineering". ASCE. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-07. Nakuha noong 2007-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Institution of Civil Engineers What is Civil Engineering" (PDF). ICE. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-09-23. Nakuha noong 2007-09-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "What is Civil Engineering?". The Canadian Society for Civil Engineering. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-12. Nakuha noong 2007-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Civil engineering". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2007-08-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oakes, William C.; Leone, Les L.; Gunn, Craig J. (2001). Engineering Your Future. Great Lakes Press. ISBN 1-881018-57-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)