Si Clare Turlay Newberry (ipinanganak sa Enterprise, Oregon noong 1903 - namatay noong 1970[1][2]) ay isang Amerikanang may-akda at mangguguhit o ilustrador ng mga aklat na pambata. Kilala siya sa pagsusulat ng kuwentong may mga pusa. Nagsimula siya bilang isang artista ng sining sa pamamagitan ng kanyang aklat na may mga ginuhit na larawan o sketchbook na pinamagatang Herbert the Lion ("Si Herbert ang Liyon").[3]

Clare Newberry
Kapanganakan10 Abril 1903
  • (Wallowa County, Oregon, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan12 Pebrero 1970
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomanunulat, children's writer

Talambuhay

baguhin

Sa Estados Unidos, nag-aral si Newberry sa Pamantasan ng Oregon at sa Paaralan ng Pinong Sining ng California. Naging isang estudyante rin sa La Grande Chaumiere ng Paris, Pransiya.[4] Mula 1934, halos gumuguhit lamang siya ng mga larawan ng mga paksang tao (mga portrait work sa Ingles), ngunit lumaong nagtuon ng pansin sa mga aklat at mga portpolyong tungkol sa mga pusa na para sa mga bata.[5] Naging mga anak niya sina Stephen Newberry at Felicia Noelle Trujillo.[4]

Bilang manunulat at mangguguhit

baguhin

Nalathala ang kanyang unang aklat na Herbert the Lion noong 1931, pagkaraang maipadala muna ito sa ahente at kaibigang si John Steinbeck. Muling inilathala ang Herbert the Lion noong 1939 at nanatiling nililimbag hanggang sa huling paglalabas nito noong 1998 ng kompanyang tagapaglimbag na Smithmark.[4]

Sa lahat-lahat, may labingwalong naisulat at ginuhitan ng mga larawang mga aklat si Newberry. Bukod sa Herbert the Lion, kabilang din sa kanyang mga akda ang Mittens[3][4], Smudge[3], April's Kittens, at Marshmallow. Nagwagi ang Mittens, April's Kittens, at Marshmallow ng gantimpalang Caldecott. Isinulat at dinrowingan ni Newberry ang Smudge habang nagdadalangtao siya, isang aklat na nagwagi ng American Institute of Graphics Arts Award.[4]

Naging isa ring mabiling aklat ang Mittens ni Newberry, na nasuri ng mga manunuri ng panitikan bilang isa sa pinakamataas na limampung mga aklat na pambatang nalathala noong 1937, at bilang aklat na may ilang pinakamahusay na mga larawan ng mga pusa. Nanatiling nililimbag ng Smithmark ang Mittens magpahanggang 1998.[4]

Nasundan ang Mittens ng Babette na naglalaman ng mga larawan ng mga kuting na Siamesa na iginuhit sa pamamagitan ng teknikong ginamitan ng pinsel na Hapones at hugas ng sepia.[4]

Noong 1938, nalathala naman ang Barkis ni Newberry, na tungkol sa isang tutang cocker spaniel na may pangalang Barkis at kasamang bida ang anak na lalaki ni Newberry na si Stephen.[4]

Noong 1941, nilikha naman ni Newberry ang Lambert's Bargain, isang nakakatawang aklat na nilagyan ng mga larawang iginuhit sa pamamagitan ng may tintang pangguhit o panulat at mga linyang ginamitan ng tinta.[4]

Noong 1942, nalathala ang Marshmallow[6] ni Newberry, na muling inilabas noong 1999 ng Smithmark para sa kanilang mga seryeng Clare Newberry Classics. Tinangkilik din ito ng kompanyang Kodansha, isang tagapaglathalang Hapones. Tumanggap ang Marshmallow ng pinakamataas na parangal para sa mga aklat na pambata sa Hapon noong 2003.[4]

Noong 1943, naglathala ng isang porpolyo ang manlalathalang kumpangyang Harper ng mga ilustrasyon ni Newberry na nasa anyo ng malalaking mga larawang maaaring ikuwadro.[4]

Kabilang pa rin sa mga akda ni Newberry ang Cousin Toby, Drawing a Cat, Pandora, The Kitten's ABC, at Smudge. Noong 1948, naisam at naitangi ang The Kitten's ABC ni Newberry sa talaang New York Times Book List para sa taong iyon.[4]

Tala ng mga akda

baguhin

Narito ang tala ng pamagat ng mga aklat ni inakdaan ni Newberry:[7]

  • Marshmallow
  • April's Kittens
  • Mittens
  • Herbert the Lion
  • Smudge
  • Barkis
  • Babette
  • The Kittens' A B C
  • T-Bone the Baby-Sitter
  • Drawing A Cat
  • Widget
  • Pandora: Story and Pictures
  • Ice Cream for Two
  • Percy, Polly, and Pete
  • Frosty

Mga sanggunian

baguhin
  1. Clare Turlay Newberry (1903 - 1970), askart.com
  2. Clare T. Newberry (1903 - 1970), artnet.com
  3. 3.0 3.1 3.2 "Clare Newberry". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 439.
  4. 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 4.11 Trujillo, Felicia N. In Search of the Cat Lady Naka-arkibo 2008-08-20 sa Wayback Machine., 2003 (sipi mula sa talambuhay ni Clare Newberry na isinulat ng kanyang anak na babaeng si Felicia N. Trujillo, ang may akda ng sangguniang ito).
  5. Guide to the Clare Turlay Newberry Papers 1910-1969, Biographical Note.
  6. Murphy, Diana. The Unexpected Surrogate Naka-arkibo 2009-04-06 sa Wayback Machine., rabbit.org
  7. Clare Turlay Newberry, Librarything.com