Cleopatra VII ng Ehipto

(Idinirekta mula sa Cleopatra)

Si Cleopatra VII Filopator o Cleopatra VII (Griyego: Κλεοπάτρα θεά φιλοπάτωρ) (Disyembre 70 BK o Enero 69 BKAgosto 12, 30 BK) ang huling paraon-reyna ng Sinaunang Ehipto. Namuno siya sa Ehipto mula 51 BK hanggang 30 BK.[4] Siya rin ang huling miyembro ng dinastiya o pamilyang Ptolemy na nagmula sa Masedonya, na namuno sa Ehipto sa loob ng 300 mga taon.[4] Dahil dito, siya rin ang huling Griyegong namuno sa Ehipto. Si Ptolemy XII Auletes ang kanyang ama. Pagkalipas ng ilang taon, nakasama niya sa paghahari ang kaniyang anak kay Julius Caesar na si Ptolemy XV Caesarion.

Cleopatra VII ng Ehipto
Kapanganakan13 Enero 69 BCE (Huliyano)
  • (Alexandria Governorate, Ehipto)
Kamatayan12 Agosto 30 BCE (Huliyano)
LibinganAlehandriya
MamamayanKahariang Ptolemaiko
Trabahomonarko
OpisinaParaon (29 Agosto 51 BCE (Huliyano)–12 Agosto 30 BCE (Huliyano))[3]
AsawaMarcus Antonius (32 BCE (Huliyano)–30 BCE (Huliyano))
KinakasamaJulius Caesar (48 BCE (Huliyano)–15 Marso 44 BCE (Huliyano))
AnakTolomeo XV Caesarion
Cleopatra Selene II
Magulang

Talambuhay

baguhin

Sa pagkamatay ng kanyang ama noong 51 BK, naging kasama siyang pinuno ng Ehipto ng kanyang kapatid na lalaking si Ptolemy XIII, na naging asawa niya rin, ayon sa kaugaliang Ehipsiyo. Naganap ito noong 18 taong gulang na siya. Noong 49 BK, pinatalsik ng mga tagapag-alaga ni Ptolemy XIII si Cleopatra mula sa kanyang kapangyarihan. Nang makilala ni Cleopatra si Julius Caesar noong nasa Ehipto ito habang tinutugis ang kalabang si Pompey, ibinalik ni Julius Caesar sa kanyang trono at pamumuno ng Ehipto. Pagkamatay ni Ptolemy XIII, nagpakasal naman si Cleopatra sa isa pa niyang nakababatang kapatid na lalaking si Ptolemy XIV. Subalit nagpunta si Cleopatra sa Roma sa piling ni Julius Caesar. Nagkaroon siya ng anak na lalaki kay Caesar.[4]

Noong sumakabilang buhay si Julius Caesar, nagbalik si Cleopatra sa Ehipto. Umibig siya kay Marcus Antonius, isang Romanong heneral. Nagkaroon si Cleopatra ng kambal na mga anak kay Marcus Antonius. Nang mamatay si Marcus Antonius, nagpakamatay si Cleopatra noong 30 BK.[4]

Pinagmulan ng pangalan

baguhin

Ang pangalang "Cleopatra" ay hango sa Griyegong salitang ang ibig sabihin ay "luwalhati ng ama". Ang kaniyang buong pangalan ay Cleopatra Thea Filopator na may pakahulugang "ang Diyosa Cleopatra, Minamahal ng Kaniyang Ama".

Kaugnayan sa kasalukuyan

baguhin

Sa kasalukuyan, marahil isa na siya sa pinakatanyag sa lahat ng namuno sa makalumang Ehipto; at kinilala rin sa pangalang "Cleopatra". Nakalimutan na ang lahat ng kaniyang mga sinundan. Sa katunayan, hindi namunong mag-isa si Cleopatra. Kapinuno, o kasama niyang namuno ang kaniyang ama, kapatid na lalaki, kapatid na asawa rin, at anak. Gayumpaman, sa lahat ng mga pagkakataong ito, ang mga kapinuno niya ay hari lamang sa pangalan dahil si Cleopatra ang may tunay na kapangyarihan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Cleopatra exhibit tells an intriguing tale". The Washington Post. 5 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/03612759.2010.539496.
  3. https://www.ancientegyptonline.co.uk/Cleopatra-Caesar.html; hinango: 2 Setyembre 2018.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Cleopatra VII, Who was Cleopatra?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 18.
Cleopatra VII ng Ehipto
Kapanganakan: 69 BC Kamatayan: 30 BC
Sinundan:
Ptolemy XII
Reyna ng Ehipto
51–30 BC
kasama ni Ptolemy XII,
Ptolemy XIII,
Ptolemy XIV at
Ptolemy XV Caesarion
Susunod:
Sinakop ng Roma ang Ehipto