Colli al Metauro
Ang Colli all Metauro ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Pesaro at Urbino sa rehiyon ng Marche ng Italya. Ito ay nilikha noong 1 Enero 2017 pagkatapos ng pagsasama ng comuni ng Montemaggiore al Metauro, Saltara, at Serrungarina. Ang luklukang komunal ay nasa Calcinelli, ang pinakamalaking frazione nito.
Colli al Metauro | |
---|---|
Comune di Colli al Metauro | |
Mga koordinado: 43°45′12.35″N 12°53′51.36″E / 43.7534306°N 12.8976000°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Marche |
Lalawigan | Pesaro at Urbino (PU) |
Mga frazione | Bargni, Beato Sante, Borgaccio, Calcinelli, Fiordipiano, Montemaggiore al Metauro, Pozzuolo, Saltara, San Liberio, Serrungarina, Tavernelle, Villanova. |
Pamahalaan | |
• Mayor | Stefano Aguzzi |
Lawak | |
• Kabuuan | 46.17 km2 (17.83 milya kuwadrado) |
Taas | 429 m (1,407 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[1] | |
• Kabuuan | 12,369 |
• Kapal | 270/km2 (690/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 61036 |
Kodigo sa pagpihit | 0721 |
Santong Patron | Sta. Teresa ng Calcutta |
Saint day | Setyembre 5 |
Websayt | Opisyal na website |
Impraestruktura at transportasyon
baguhinTinatawid ito ng isa sa mga pinakasikat na daang konsular: ang Via Flaminia, ngayon ay nasa gilid ng superstrada Fano-Grosseto, na kilala rin bilang "dei Due Mari", na nag-uugnay sa Dagat Adriatico sa Dagat Tireno.
Sport
baguhinAng mga club ng futbol ay matatagpuan sa iba't ibang mga nayon ng nakakalat na munisipalidad: para sa 2021/2022 season naglalaro ang Tavernelle sa Unang Kategorya, habang ang Maior ay naglalaro sa Ikalawang Kategorya. Ang Real Metauro ay naglaro rin sa Unang Kategorya, isang pangkat na kumakatawan sa mga bahagi ng Calcinelli at Lucrezia ng kalapit na munisipalidad ng Cartoceto.