Inhinyeriyang pangkompyuter

(Idinirekta mula sa Computer engineering)

Ang inhinyeriyang pangkompyuter (Ingles: computer engineering) ay isang disiplinang pang-akademiya na nagsasama-sama ng ilang mga larangan ng inhinyeriyang pangkuryente at agham na pangkompyuter na kailangan upang makapagpaunlad ng mga sistemang pangkompyuter.[1] Ang mga inhinyerong pangkompyuter ay karaniwang mayroong pagsasanay sa inhinyeriyang pang-elektroniks (o inhinyeriyang elektrikal), disenyo ng sopwer, at integrasyon ng harwer at sopwer, sa halip na inhinyeriyang pangsopwer o inhinyeriyang elektroniko lamang. Ang mga inhinyerong pangkompyuter ay kasangkot sa maraming mga aspeto ng hardwer at sopwer ng pagkokompyut, magmula sa disenyo ng indibiduwal na mikroprosesor, mga kompyuter na personal, at mga superkompyuter, hanggang sa disenyo ng sirkito. Ang larangang ito ng inhinyeriya ay hindi lamang tumutuon sa kung paanong gumagana ang mga sistemang pangkompyuter, subalit gayundin ang kung paano sila naisasama sa loob ng isang mas malaking kasaklawan.[2]

Ang pangkaraniwang mga gawain na kinasasangkutan ng mga inhinyerong pangkompyuter ay kinabibilangan ng pagsulat ng sopwer at firmware para sa nakabaon na mga mikrokontroler, pagdidisenyo ng mga tsip na VLSI, pagdidisenyo ng mga sensor ("pandama") na analog, na mabigat na sumasalalay sa paggamit ng mga sistemang dihital upang kontrolin at bantayan ang mga sistemang pangkuryente na katulad ng mga motor, mga komunikasyon, at mga sensor.

Sa maraming mga institusyon, ang mga nag-aaral ng inhinyeriyang pangkompyuter ay pinapayagang makapili ng mga pook ng malalim na pag-aaral sa kanilang taon bilang junior at senior, dahil ang buong haba ng kaalaman na ginagamit sa pagdidisenyo at paggamit ng mga kompyuter ay lampas sa nasasaklawan ng isang degri ng undergraduate. Ang ibang mga institusyon ay maaaring pangailanganin ang mga estudyante ng inhinyeriya na makakumpleto ng isang tao ng inhinyeriyang panglahatan (general engineering) bago makapagpahayag na pagtutuonan nila ng pansin ang inhinyeriyang pangkompyuter.[3][4][5]

Ang motherboard na ginagamit sa karaniwang pampersonal na kompyuter. Isang resulta ng pagsisikap ng isang Inhinyero ng Kompyuter.

Kasaysayan

baguhin

Ang pinaka-unang computer engineering na programa sa Estados Unidos ay naitatag noong 1972 sa Case Western University. Noong Oktubre taong 2004, may naitalang 170 na ABET akreditong computer engineering na mga programa sa Estados Unidos. Sa Europa, ang pagakredita ng mga computer engineering na paaralan ay isinasagawa ng mga ahensiya na parte ng EQANIE network. Dahil sa patuloy ang pagdami ng mga kailangan upang maging inhinyero na sa kasalukuyan ay may kakayahang magdisenyo ng mga hardware, software, firmware, at kayang magmaniubra ng kahit anong sistema ng kompyuter na ginagamit sa industriya, may mga tersyaryang institusyon sa buong mundo na nagtuturo ng bachelor's degree na karaniwang tinatawag na computer engineering. Ang programang computer engineering at electronic engineering ay parehong mayroong analog at didyital circuit na disenyo sa kanilang kurikulum. Ang kaalaman sa agham at matematika ay mainam na kakayahan ng mga imhinyero ng kompyuter.

Inhinyero ng software ng kompyuter

baguhin

Ang mga inhinyero ng computer software ay nagdidisenyo, bumubuo, at sumusuri ng mga software. Ang ibang inhinyero ng software ay nagdidisenyo, gumagawa, at nagpa-panatili ng mga programa ng kompyuter ng mga kumpanya. Ang iba ay nagsasa-ayos ng mga network tulad ng "intranets" para sa mga kumpanya. Ang iba ay nnaglalagay ng mga bagong software o kaya ay naga-upgrade ng mga sistema ng kompyuter. Ang mga inhinyero ng computer software din ay pwedeng gumawa ng disenyo ng mga aplikasyon. Kasama dito ang pagdisenyo at pag-code ng mga bagong programa at aplikasyon para maabot ang pangangailangan ng mga negosyo at ng sangkatauhan. Ang mga inhinyero ng computer software din ay pwede ng magfreelance at ibenta ang kanilang mga software na produkto/aplikasyon patungo sa mga negosyo/sangkatauhan.


Inhinyero ng hardware ng kompyuter

baguhin

Karamihan sa mga inhinyero ng mga computer hardware ay nananaliksik, bumubuo, nagdidisenyo, at sumusubok ng ibat-ibang kagamitan sa kompyuter. Kasama rito ang mga circuit board at mga microprocessor pati mga router. Ang iba ay naga-update ng mga kagamitan sa kompyuter nang sa gayon ay ito ay gumana ng mas maayos at gumana sa mga makabagong software. Karamihan sa inhinyero ng computer hardware ay nagtatrabaho sa mga laboratoryo at mga makabagong pagawaan. Ang iba ay nagtatrabaho para sa gobyerno. Ayon sa BLS, 95% ng mga inhinyero ng computer hardware ay natatrabaho ng lubusan sa mga pangunahing lugar. Halos 33% ng kanilang trabaho ay nangangailangan ng 40 oras kada linggo. Ang karaniwang sahod sa mga may trabahong kawalipikado na inhinyero ng computer hardware (2012) ay $100, 920 kada taon o $48.32 kada oras. Ang mga inhinyero ng computer hardware ay nagkarron ng 83,300 na trabaho noong taong 2012.

Mga sanggunian

baguhin
  1. IEEE Computer Society; Association for Computing Machinery (12 Disyembre 2004). Computer Engineering 2004: Curriculum Guidelines for Undergraduate Degree Programs in Computer Engineering (PDF). p. iii. Nakuha noong 2006-04-21. Computer System engineering has traditionally been viewed as a combination of both electronic engineering (EE) and computer science (CS).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Trinity College Dublin. "What is Computer System Engineering". Nakuha noong 2006-04-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link), "Computer engineers need not only to understand how computer systems themselves work, but also how they integrate into the larger picture. Consider the car. A modern car contains many separate computer systems for controlling such things as the engine timing, the brakes and the air bags. To be able to design and implement such a car, the computer engineer needs a broad theoretical understanding of all these various subsystems & how they interact."
  3. "Changing Majors @ Clemson". Clemson University. Nakuha noong 20 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Declaring a College of Engineering Major". University of Arkansas. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-05. Nakuha noong 20 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Degree Requirements". Carnegie Mellon University. Nakuha noong 20 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)