Ang computus (salitang Latin na may kahulugang "komputasyon") ay ang tawag sa paraan ng pagtutuos o kalkulasyon ng petsa ng Pasko ng Pagkabuhay. Noong ika-4 na daantaon, nagkaroon ng pagkalito hinggil sa tamang petsa ng ipagdiwang ng Kristiyanong Araw ng Pagkabuhay o ang Muling Pagkabuhay ni Hesus. Ang pagkakalkulang ng petsa ng Pasko ng Pagkabuhay ay nakaayon, sa unang lagay, sa Kalendaryong Juliano, at pagdaka ay nakaayon na sa Kalendaryong Gregoriano. Ang katawagan o pangalan ay ginagamit na para sa hakbang o pagsasagawang ito magmula noong mga Gitnang Kapanahunan, dahil ito ay itinuturing pinakamahalagang pagtutuos noong panahong iyon.

Pagkaraan ng Unang Konsilyo ng Nicaea, ang petsa ng Pasko ng Pagkabuhay ay talagang nakahiwalay na magmula sa kalendaryong Hudyo at pati na ang pagtutuos nito para sa Pesah o Paskwa (Passover sa Ingles). Magmula noon, batay sa prinsipyo, ang Pasko ng Pagkabuhay ay pumapatak sa Linggo matapos ang kabilugan ng buwan kasunod ng Ekwinoks ng tagsibol sa Hilaga (ang tinatawag na Buwang Buo ng Mahal na Araw, at panahon kung kailan magkasinghaba ang tagal ng araw at ng gabi). Subalit, ang ekwinoks sa panahon ng tagsibol (ekwinoks na bernal o vernal equinox) at ang buo na buwan ay hindi inaalam sa pamamagitan ng pagmamasid pang-astronomiya. Sa halip, ang ekwinoks na bernal ay ipnako sa ika-21 araw ng Marso, habang ang buwang buo (sa tawag na eklesyastikal na buwang buo) ay nakalagi sa ika-14 na mga araw pagkalipas ng simula ng eklesyastikal na buwang lunaryo (nakikilala bilang eklesyastikal na buwang bago). Dahil dito, ang Pasko ng Pagkabuhay ay pumapatak sa Linggo pagkaraan ng eklesyastikal na buwang bago.

Ang computus ay ang hakbang ng pag-alam sa unang Linggo pagkalipas ng unang eklesyastikal na buwang buo na tumatapat sa o pagkalipas ng ika-21 ng Marso, at ang nagkasuliranin sa loob ng kahabaan ng mga daantaon na walang tumpak na mga pamamaraan ng pagsukat sa tiyak na mga taóng solar (pang-araw) o lunar (pambuwan).

Ang modelo o huwarang nagawa ay nagpapalagay na ang 19 na mga tropikal na mga taon ay mayroong magkakatulad na tagal o durasyon ng 235 mga buwang sinódiko (kasalukuyang halaga: 234.997).[1]

Magmula noong ika-16 na daantaon, nagkaroon ng mga pagkakaiba-iba sa mga pagtutuos ng Pasko ng Pagkabuhay sa pagitan ng mag Kristyanismong Kanluranin at ng Silanganin. Magmula noong 1583, ginagamit na ng Simbahang Katóliko Romano ang ika-21 ng Marso ng Kalendaryong Gregoriano upang kalkulahin ang petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; samantalang ang Simbahang Ortodoksong Silanganin ay nagpatuloy sa paggamit ng ika-21 ng Marso ayon sa Kalendaryong Juliano. Bunsód nito, ang mga denominasyong Katóliko at Protestante ay gumagamit ng isang eklesyastikal na buwang buo na nagaganap 4 hanggang 5 mga araw nang mas maaga kaysa sa ginagamit ng mag simbahang Ortodoksiyang Silanganin.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gumagamit ng isang pangkaraniwang tropikal na taon na 365.2421897 mga araw magmula noong 2000 at ng isang pangmatagalang panahong pangkaraniwang buwang sinodal na 29.530589 na mga araw. Tingnan ang tropikal na taon at ang sinodal na buwan para sa mga detalye.

Karagdagang pagbabasa

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.