Conching Rosal
Si Conchita Rosal-Pimentel, o mas kilala sa pangalang Conching Rosal (8 Disyembre 1926 – 6 Disyembre 1985)[kailangan ng sanggunian], ay isang mang-aawit na kilala sa kanyang napakataas boses at sa kanyang pag-aawit ng awiting kundiman.
Maagang buhay
baguhinSi Conchita Rosal-Pimentel ay ipinanganak sa San Jose, Batangas noong ika-8 Disyembre 1926. Siya ay ipinanganak kina Eusebio at Soledad Rosal, at nagpakasal sa abogado-impresario Luis Pimentel.[kailangan ng sanggunian]
Karera
baguhinNagsimulang kumanta si Conching Rosal sa edad na anim bilang soloista ng parokyang simbahan sa San Jose Church sa Batangas. Mahilig din siyang kumanta habang ang kanyang ina ay nagtitinda ng isda sa palengke, na ikinatutuwa ng mga nakikinig sa kanyang mga awiting Filipino, lalo na ang "Ang Maya".
Nang maglaon ay nag-aral siya ng boses sa Unibersidad ng Santo Tomas Conservatory of Music kung saan siya ay naging paboritong mag-aaral ng kilalang propesor na si Lourdes Corrales de Razon at isang kaklase ni Sylvia La Torre.
Ipinagpatuloy niya sa Amerika ang pag-aaral sa pag-awit sa ilalim ni Dean Varchines, tanyag na tagapagturo sa mga mang-aawit ng Metropolitan Opera at New York Opera. Noong 1952, ay tinanggap niya ang karangalan at gantimpala buhat sa Elizalde Hour Talent Search. Nagsimula ang kanyang katanyagan bilang coloratura soprano sa pag-awit niya sa Operang Carmen.
Maalala si Conching Rosal sa kanyang makabagbag damdaming pag-awit ng mga Kundiman tulad ng "Huling Awit", "Kundiman ng Luha", "Ibong Sawi", "Pakiusap", "Alin Man Lahi", "Sa Iyo, Inay", "Hatinggabi", "Mutya ng Pasig" at marami pang iba na isinaplaka ng Villar Records. Ang kanyang boses soprano ay ginamit rin bilang Ibong Adarna na umaawit para makatulog ang sinumang makarinig noong 1972 para sa pelikulang Ang Hiwaga ng Ibong Adarna sa ilalim ng Roda Film Productions.
Sa panahon ng isang musikal na karera na sumasaklaw ng higit sa tatlong dekada, si Rosal ay pinarangalan bilang isa sa mga dakilang soprano ng Pilipinas. Ang kanyang huling operatic performance ay sa Aida noong 1981.
Kamatayan
baguhinNamatay siya sa Lungsod ng Quezon noong ika-6 Disyembre 1985 dahil sa breast cancer.[kailangan ng sanggunian]
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhin- Immortal Kundiman of the Philippines (1962)[1]
- Conching Rosal Sings Ang Maya and Other Philippine Immortal Kundiman
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "CONCHING ROSAL Immortal Kundiman Of The Philippines OPM LP Vinyl Record". eBay Philippines. Nakuha noong Hulyo 8, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[kailangan ng sanggunian]