Conrad Bain
Si Conrad Stafford Bain (Pebrero 4, 1923 - Enero 14, 2013) ay isang Canadiano-Amerikanong artista sa telebisyon at pelikula. Mas nakikilala siya dahil sa kaniyang papel bilang si "Phillip Drummond" sa sitcom na Diff'rent stroke at bilang si "Dr. Arthur Harmon" sa Maude. Si Bain ay mayroong isang kakambal na kapatid, si Bonar Bain.
Conrad Bain | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Pebrero 1923
|
Kamatayan | 14 Enero 2013[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika Canada |
Trabaho | artista, artista sa telebisyon, artista sa teatro, artista sa pelikula |
Si Bain ay ipinanganak noong Pebrero 4, 1923 sa Lethbridge, Alberta, Canada. Si Bain ay nakatira sa isang apartmento sa Livermore, California, Estados Unidos. Si Bain ay kasal kay Monica Sloan mula noong 1945 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 2009. Sila ay nagkaroon ng tatlong mga anak. Si Bain ay namatay noong Enero 14, 2013 habang nasa kaniyang tahanan sa Livermore, California dahil sa likas na mga sanhi, sa edad na 89.
Mga kawing panlabas
baguhin- Conrad Bain sa IMDb
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Estados Unidos at Canada ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.