Si Consuelo Paz (Marso 13, 1933 – Setyembre 15, 2022)[1][2] ay isang kilalang lingguwista at etnologo mula sa Pilipinas at nagretiro bilang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Kilala siya sa pamamagitan ng kanyang palayaw na Connie,[3] at itinuturing na kauna-unahang babaeng lingguwistang diakroniko mula sa Pilipinas. Kinikilala si Paz bilang isa sa mga haligi ng modernong lingguwistika sa bansa at mahalagang personalidad sa pagpapalawak ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas.

Propesyon

baguhin

Kilala si Dr. Paz bilang "Grand Dame of Philippine Linguistics" (Gran Dama ng Lingguwistikang Pilipino) dahil sa kanyang mga pambihirang obra tungkol sa kasaysayan at paghahambing ng mga wika, sosyolinggwistika, at etnolinguwistika. Nagsilbi siyang dekana sa Kolehiyo mga Agham Panlipunan at Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at nakatulong sa pagpapalakas ng ugnayan ng pag-aaral ng wika sa iba pang disiplina sa agham panlipunan. Nag-umpisa rin siya ng Programa sa Pag-aaral ng mga Etnolinggwistikong Grupo na naglalayong mangalap ng mga wika at etnograpikong datos sa buong Pilipinas na nagdulot ng malawakang pagsasaliksik sa mga wika at kultura ng Pilipinas.[4]

Isa siyang Pilipinong lingguwista at etnolohista, at isang retiradong propesor sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ipinapakita na siya ang unang babaeng lingguwistang diakroniko mula sa Pilipinas at kinikilala siya bilang haligi ng modernong lingguwistika sa Pilipinas at mahalagang personalidad sa pagtatatag at pagpapalawak ng Filipino bilang pambansang wika ng bansa.

Edukasyon

baguhin

Natapos niya lahat ng kanyang akademikong antas sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman: Batsilyer ng Sining sa Ingles, Maestro ng Sinings sa Linggwistika, at PhD sa Pilipinong Linggwistika, at naglingkod sa iba't ibang posisyon sa liderato sa administrasyon at pananaliksik sa UP Diliman. Siya ay naging Dekana ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ng UP Diliman sa dalawang termino mula 1992 hanggang 1998. Sa parehong unibersidad, siya rin ang nakatulong sa pagtatag ng dalawang sentro ng pananaliksik: Programa sa Pag-aaral ng Etnolinggwistikong Grupo at "Sentro para sa Pandaigdigang Pag-aaral". Ang pagtatatag ng mga institusyong ito ay nagbigay daan sa kanyang makapag-ambag sa mga pag-aaral sa wika at kultura.

Peminismo sa akademiya

baguhin

Sa pag-alaala ni Sara Raymundo sa nasirang si Consuelo Paz, tinawag niya itong tagapagbigay buhay sa Feminismo sa Akademiya[3]. Ito ang salin ng kaniyang mga binitawang salita:

Sa aming henerasyon, si Dean Paz ay ang babaeng tagapamahala ng kolehiyo na ang kanyang talino, lakas ng pagkatao, at maayos na pagsusuot ay nagbibigay-buhay sa anyo ng feminismo noong 90s sa akademya. Ang kanyang layunin ay para sa akademikong kahusayan na nakabatay sa malinaw na kasarinlan mula sa kolonyalismo sa mga lumang at bagong anyo nito. Kapag kasama si Dean Paz, ang mga panawagan upang ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, tapusin ang seksismo at para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay hindi nakapira-piraso o bagay ng indibidwal na pagpili lamang. Sa halip, ito ay nakabatay sa mas malaking pangkalahatang pangitain na kailangan nating lahat na tuparin. Sa mga kamay ni Consuelo Paz, ang kinabukasan ay nakasalalay sa pagkakabit ng mas malaking larawan sa pang-araw-araw na mga pangangailangan, malaki man o maliit.

Sa panulat ni Ramon Farola, kasama ni Dr. Ernesto Constantino si Consuelo Paz sa pagbuo at pagpapaunlad ng Filipino bilang pambansang wika.[3] Ang kanyang mga pag-aaral sa sosyolinggwistika ay nakatulong sa pagtatag ng malapit na ugnayan ng wika na ginagamit ng komunidad at ang pagkakakilanlan at pagkakabahagi ng bawat indibidwal --- ito ay dalawang konseptiong napaimportante sa pag-aaral ng peminismo.

Mga grupong kinabibilangan at parangal

baguhin

Si Consuelo Paz ay kasapi ng UP Writers Club at isa ring tagapagtatag ng Iligan National Writers Workshop at Iligan Workshop Foundation. Siya ay nagwagi rin ng mga parangal tulad ng Gawad CCP Para sa Panitikan, Palanca Memorial Award, at Gawad Balagtas.

Mga librong naiakda

baguhin

Opisyal na nakapagtala ang Kagawaran ng Linggwistika ng UP ng limang libro na isinulat ni Conzuelo J. Paz, na lahat ay nakalimbag sa wikang Tagalog. Ang mga nasabing libro ay nagsisilbing mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng wika at panitikan sa bansa.[5]

Ang unang libro ni Paz ay ang A Reconstruction of Philippine Phonemes and Morphemes na inilimbag noong 1988. Ito ay isang pag-aaral tungkol sa mga tunog at bahagi ng salita sa wika ng Pilipinas. Sa kanyang pananaliksik, inilarawan niya ang mga kahalagahan ng pagtukoy sa mga tunog at bahagi ng salita upang mas mapag-aralan ang wika ng Pilipinas.

Ang pangalawang libro ni Paz ay Ang Wikang Filipino, Atin Ito na inilimbag noong 1995 sa Sentro ng Wikang Filipino. Sa aklat na ito, naglalayon siyang magbigay ng kahulugan sa wikang Filipino bilang wikang ginagamit ng lahat ng Pilipino. Nilinaw din niya kung paano ito magiging instrumento sa pagpapaunlad ng bansa at pagpapalakas ng identidad ng bawat mamamayan.

Noong 2003, kasama sina V. Hernandez at I. Peneyra, inilimbag ni Paz ang Ang Pag-aaral ng Wika. Sa libro na ito, sinuri niya ang mga paraan ng pag-aaral ng wika at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito.

Ang ika-apat na aklat ni Paz ay Gabay sa Fildwurk na inilimbag noong 2005. Ito ay isang gabay sa pagsulat at paglalahad ng mga ideya sa Filipino. Binigyan niya ng halaga ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat ng mga papel at pagpapahayag ng mga kaisipan.

Ang pinakahuling libro ni Paz ay Ginhawa, Kapalaran, Dalamhati: Essays on Well-being, Opportunity/Destiny and Anguish, na inilimbag noong 2008 sa UP Press Diliman. Sa libro na ito, nagbigay siya ng mga sanaysay tungkol sa mga konsepto ng kasiyahan, kapalaran, at kalungkutan. Nilinaw niya kung paano ito nakakaapekto sa buhay ng tao at kung paano ito maaring maiwasan o maibsan.

Sa kabuuan, makikita natin ang mga mahahalagang kontribusyon ni Conzuelo J Paz sa pagpapaunlad ng wika at panitikan sa Pilipinas. Ang kanyang mga libro ay hindi lamang naglalayon na mapalawak ang kaalaman ng mga tao sa kahalagahan ng wika at kultura ng Pilipinas, ngunit nagbibigay rin ng mga kaisipan at konsepto upang mas maiunawaan ang buhay ng tao sa lipunan.

Mga artikulong naiakda

baguhin
Taon Akda
1965 -ad in Isinai. Asian Studies, 3(1).
1967 The Grammar of the Personal Pronouns of Tagalog, Ilokano, Kapampangan ang Isinai (With E. Constantino and M. Ponsuncuy). Studies in Philippine Anthropology.
1978 Ang Historikal na Pag-aaral ng mga Wika sa Pilipinas [The Historical Study of Philippine Languages]. Trends in Philippine Linguistics. UP Diliman, Quezon City.
1982 The Application of the Comparative Method to Philippine Languages. In J. Mather, A. Bornhard, and E.F. Koerner (Eds.), Proceedings from the 3rd International Conference on Historical Linguistics in Current Issues in Linguistic Theory. Amsterdam Studies in the Theory and History of Linguistics Science IV. Amsterdam.
1983 Wika ng Kineketong sa Ilokos Sur [The Language of the Hansenites in Ilocos Sur]. In Proceedings of the 16th Seminar on Psycholinguistics.
1984 Society and Leprosy: A Study of the Knowledge, Beliefs Attitudes and Practices of Ilocanos on Leprosy (With L.B. Valencia, E.R. Ventura and A. Ortega). Social and Economic Research Projects Reports No. 2. WHO Special Programme for Research and Training in Tropical Disease. Mga Unang Pag-aaral Tungkol sa mga Maynor na Wika [Early Studies on Minor Languages]. In The Archive.
1985 Wika ng Naghaharing Uri [Language of the Ruling Class]. Pi Gamma Mu: Chair Lecture, Proceedings of the Fourth Philippine Linguistics Congress, 20-22 May 1985, UP Diliman, Quezon City. Also in The Archive. 1985.
1987 Language as a Communication Tool for Conquest. Philippine Communication Journal, (1)3.
1990 A Multidisciplinary Study of Stigma in Relation to Hansen’s Disease Among the Tausug (With I.R. Medina and E.R. Ventura). In The Philippine Social and Economic Research Project Report No. 7, TDR, WHO, Geneva, Switzerland. Filipino – Pinagkaisahang Wika [Filipino – A Language of Convergence]. Paper read at the 3rd International Philippine Studies Conference, 13-16 July 1989. Also in Mga Babasahain Tungkol sa Filipino. Sentro ng Wikang Filipino, Diliman, Quezon City. Also in Ang Wikang Filipino, Atin Ito. Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman. Ang Unibersal na Nukleyus at ang Filipino [The Universal Nucleus and Filipino]. Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman, Quezon City, 1990. Also in Ang Wikang Filipino, Atin Ito. Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman, 1995. The Gitnang Konsonant-Klaster na mey Glotal sa Tagalog [Tagalog Medial Consonant Clusters with the Glotal Stop]. Lecture for the Santiago Fonacier Professorial Chair in Linguistics, 1998. The Archive.
1993 Ang Filipino Bilang Lingua Franca [Filipino as the Lingua Franca]. Daluyan,

Mga manuskrito

baguhin

Ayon sa Kagawaran ng Linggwistika ng UP, ito ang ilan sa mga manuskripto ni Consuelo Paz. Nakalimbag at naipresenta ang mga ito sa Ingles o Filipino. [5]

Paksa / Pamagat Pinagtampukan, Pinagbasahan o Lugar ng Presentasyon
2003 The Language Situation in the Philippines. Foreign Service Institute Cadetship Program.
Dalamhati sa mga Wika sa Pilipinas. Paghihimay sa Konsepto ng Dalamhati. Bahay Kalinaw, UP Diliman, Lungsod Quezon
2000 On Being a Dean at the University of the Philippines. Council of Deans Region 5, Bicol University, Lungsod ng Legaspi
Diverse Languages and Cultures of Philippine Ethnolinguistic Groups. Foreign Service Institute Cadetship Program.
Ang Kapalaran ng Fild-Resercher at ng Mey Profesoryal Cher. Santiago Fonacier Professorial Chair Lecture, CSSP, Palma Hall, UP Diliman, Lungsod Quezon
1999 Theories of Ethnolinguistics and the Ethnoliguistics of the Philippines. Lecture delivered at the Gadjah Mada University, Jogjakarta, Indonesia.
Faynal Na Report ng Prajek: Primer of the Subcommittee for Negritos for 1994.
1998 Wika at Edukasyon. 24th Conference of the National Filipino Psychological Association.
Ginhawa: Well-being as Expressed in Philippine Languages. 1st Philippine Studies Conference, Reggio Calabria, Italya.
1997 Globalization and National Language: Accommodation and Resistance. 3rd European Conference on Philippine Studies at Aix-en Provence.
Compounding Old and New Words in Filipino. Conference of Southeast Asian Linguistics Society (SEALS VII). University of Illinois at Urbana-Champainge.
1996 Philippine Languages. Universitat Indonesia.
Ang Sitwasyong Pangwika at Wika sa Pagreserts [The Language Situation and the Language of Research]. NRCP-UNP Research Capability Building and Utilization Seminar Workshop.
The Philippine Language and the Filipinos. Philippine Association of University Women UP Chapter.
Ang Wika ng Kineketong sa Ilocos Sur [The Language the Hansenites in Ilocos Sur]. Ika-16 Seminar sa Sikolohiya ng Wika.
The Philippine Linguistics Situation. 3rd Summer Institute, RCSS.
The Social and Cultural Aspects of Language. Summer Institute, RCSS.
1993 Isang Proposal Tungkol sa Ka- [A Proposal Concerning Ka-]. UPFI Language Teaching Professorial Chair Lecture.
1991 Ang Multilinggwal na Sitwasyon at ang Familyang Pilipino [The Multilingual Situation and the Filipino Family]. Paper read at the 30th Anniversary of College of Home Economics. UP Diliman, Quezon City.
1990 The Use of Folklore in a WHO Scientific Research Project. Miting ng American Folkore Society, Oakland, California.
The Role Played by UP in the Use of Filipino in Academia. Fall 1990 Colloquium Series, University of Hawaii at Manoa.
Translation and Philippine Languages. Unang Seminar sa Pagsasalin ng Bibliya sa Pitong Pangunahing Wika sa Pilipinas. Villa San Miguel, Lungsod ng Mandaluyong
1989 Filipino – Pinagkaisang Wika [Filipino – A Language of Consensus].

Professorial Chair lecture as Santiago Fonacier Professor of Linguistics.

Ikatlong Pandaigdigang Kumperensya sa Pag-aaral ng Pilipinas.
Ang Wikang Pambansa at ang Departamento ng Linggwistiks [The National Language and the Department of Linguistics]. Kombukasyon sa Wikang Pambansa bilang Wikang Panturo. Diliman, Quezon City.
Ang Filipino bilang isang Wika mula sa pananaw ng Linggwistiks [Filipino as a Language from the view of Linguistics]. Seminar-Workshop sa Paggamit ng Filipino sa Pagtuturo ng Kasaysayan. De La Salle University, Maynila.
Mga Plano at Prayoridad para sa Reserts sa Filipino [Priorities and Plans for Research in Filipino]. Ika-6 Pambansang Kumperensya sa Wika, FC Conference Hall, Diliman, Lungsod Quezon
Wika’t Sosyalismo [Language and Socialism]. Meeting on education of BISIG
Paglilinaw ng Palisi ng Wika sa UP [The Language Policy of the University of the Philippines]. Forum sa Wika ng UP Manila.
1987 English-Filipino Specialized Wordlist for the Social Science. Konsilyo sa Edukasyong Pangwika ng Pilipinas.
Social Science Inputs to Hansen’s Disease Control Multi-Disciplinal Research. Pre-Conference Workshop, Ikalabing-tatlong Pandaigdigang Kongreso sa Ketongin, Netherlands
1986 Proposal para sa Concom: Probisyon para sa Pambansang Wika [A Proposal to the Constitutional Commission: The Provision for the National Language]. Concom
1985 A Multidisciplinal study of Stigma in Relation to Tropical Diseases Control in the Philippines.

Pandaigdigang Pagsasanay sa Pagbuo ng mga Panukalang Pananaliksik sa mga Sosyal at Ekonomikong Aspeto ng Pagsugpo sa mga Sakit na Nakukuha sa Tropiko,

Bangkok, Thailand.
Wika at Imperialismo sa Pilipinas sa Kasalukuyan.

Symposium sa Imperialismo Ngayon: Pagsang-ayon at Pagtutol.

Cultural Research Association of the Philippines.
1984 The Linguistic Component of a Study of Knowledge, Beliefs, Attitudes and Practices of Ilocanos on Leprosy. XII International Leprosy Congress. Bagong Delhi, India.
1982 The Philippine Languages and the Filipinos. Pulong ng Philippine Association of University Women, UP Kabanata.
1981 Isang Pag-aaral tungkol sa mga Dayalek ng Rizal [Dialectology of Rizal], Santiago Fonacier Professorial Chair Lecture.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "In Memoriam: Dr. Consuelo J. Paz (1933-2022)". Department of Linguistics - UP Diliman (sa wikang Ingles). 2022-09-16. Nakuha noong 2023-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Alumni Association of the University of the Philippines. "Remembering Consuelo J. Paz: The Grand Dame of Philippine Linguistics." UP Alumni Association, 20 Set. 2022, (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 3.2 Farolan, Ramon. "Consuelo J. Paz (1933-2022)." Philstar.com, Philstar Global Corp, 18 Sep. 2022 (sa Ingles)
  4. "The Inaugural Consuelo J. Paz Lecture Naka-arkibo 2023-03-14 sa Wayback Machine.." Office of the Vice President for Academic Affairs, University of the Philippines, 19 Nob. 2018 (sa Ingles)
  5. 5.0 5.1 Department of Linguistics, University of the Philippines Diliman. (n.d.). List of Works by Consuelo J. Paz. Hinango noong Marso 18, 2023 (sa Ingles)