Sayaw sa kandungan

(Idinirekta mula sa Contact dance)

Ang sayaw na pangkandungan, sayaw na pangkanlungan, sayaw sa kandungan, sayaw sa kanlungan, o sayaw na nakakandong (Ingles: lap dance) ay isang uri ng trabahong pangseks[1] na ginagawa sa ilang mga klab na hubaran kung saan ang isang hubo't hubad o walang bra na mananayaw ay nagsasagawa ng erotikong sayaw na nahihipo ang isang nakaupong kliyente, o mula sa malapit na layo. Sa mga sayaw na pakandong, sayaw na kumakandong, o sayaw na may pagkandong na buo ang pagdikit o paghipo sa kostumer, ang istriper ay maaaring makilahok sa pakikipagdikitan sa kliyente na pakikipagtalik na walang pagpasok, katulad ng paggiling ng kanyang katawan sa katawan ng tagapagtangkilik. Tinatawag din ang lap dance bilang couch dance o sayaw sa sopa, at bed dance (habang nakaupo sa sopa ang kliyente) o sayaw sa kama (habang nakahiga ang kostumer).

Sa ilang mga lugar, ang isang kimpal o bloke ng sesyon (inilaang panahon) ng mga sayaw sa kandungan (kalimitang kalahati hanggang isang oras) ang maaaring itala para sa isang "silid ng tsampan". Sa maraming mga klab, ang tagal ng isang sayaw ng pagkandong ay sinusukat sa pamamagitan ng haba ng kantang pinatutugtog ng DJ ng klab. Iba-iba ang pagsingil sa mga sayaw na pakandong.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ditmore, Melissa Hope. Prostitution and Sex Work. ABC-CLIO, 2010, p. 6-7. Ayon kay Binibining Ditmore, mahirap na ipagkaiba ang pagtatanghal ng erotikong sayaw at prostitusyon.