Cory Monteith
Si Cory Allan Monteith (11 Mayo 1982—13 Hulyo 2013) ay isang aktor at musikero sa Canada na kilala bilang si Fin Hudson sa palabas na Glee ng Fox.
Cory Monteith | |
---|---|
Kapanganakan | Cory Allan Monteith 11 Mayo 1982 Calgary, Alberta, Canada |
Trabaho | Aktor/Musician |
Aktibong taon | 2004–present |
Kabataan
baguhinSi Cory Allan Monteith ay ipinanganak sa Calgary, Alberta at ipinalaki sa Victoria, British Columbia.Mayroon siyang isang mas nakatatandang kapatid na lalaki.Naghiwalay ang kanyang magulang noong siya pitong taong gulang.Dahil sa hiwalayan, nanirahan siya sa bahay ng kanyang ina sa Victoria, British Columbia habang ang kanyang ama naman ay naninirahan sa Oromocto, New Brunswick.Bago siya naging aktor, nagtrabaho muna siya sa Nanaimo, British Columbia bilang isang tagatanggap sa Wal-Mart, tagapaghugas ng sasakyan, tsuper ng taksi, tsuper ng bus ng paaralan at roofer.Tumigil siya sa pag-aaral noong siya nasa ika-9 na taon niya sa eskuwelahan.Nobya niya si Lea Michelle
Karera
baguhinKarera bilang aktor
baguhinSinimulan ni Monteith ang pag-aarte sa Vancouver, British Columbia.Gumanap siya bilang menor na karakter sa pelikulang Final Destination 3, Whisper at Deck the Halls. Maraming beses na siyang lumabas sa Kyle XY. Lumabas din siya bilang bisitang aktor sa mga teleserye sa Canada kabilang na dito ang Smallville, Supernatural, Flash Gordon, Stargate Atlantis at Stargate SG-1. Sa taong 2005, lumabas siya sa Killer Bash na tungkol sa kaluluha ng isang dalitang geek na nais gantihan ang anak ng mamamatay-tao sa pamamaraan ng pag-aangkin sa katawanan ng isang batang babae. Sa kasunod na taon, lumabas siya ng panandalian sa Urban Legend: Bloody Mary. Sa taong 2007, gumanap siya bilang bida sa isang serye sa MTV.
Sa taong 2009, siya ay napiling umarte sa Glee, isang serye sa Fox, bilang Fin Hudson, ang lalaking bida sa glee club at quarterback ng McKinley High School. Para sa kanyang teyp sa odisyon nag-dram sa Tupperware gamit ang lapis. Ang unang pagkakataon niyang kumanta sa harap ng mga tao ay ang in-person na odisyon niya kung saan inawit niya ang kantang "Honesty" ni Billy Joel. Siya at si Lea Michelle, na kapwa rin niyang artista sa Glee, ay nakabilang sa 2009 na "Summer Must List" ng Entertainment Weekly at tinanghal bilang "Summer's Must Songbirds" sa kanilang pagganap bilang Finn at Rachel sa palabas na Glee.
Noong Abril 2010, si Monteith ay nakabilang sa mga artista ipapalabas na romantikong komedyang Monte Carlo. Sa 2010 ng Mayo, ang mga tauhan ng Glee ay lumibot sa Los Angeles, Phoenix, Chicago at New York City. Gumawa ng maikling palabas at umawit ang mga tauhan ng Glee sa kanilang mga pagtatanghal.
Sa Agosto 2010, gumanap siya bilang isa sa mga host ng Teen Choice Awards at 2010 naman ng Nobyembre ay naging pangunahing host siya sa Gemini Awards sa Toronto. Noong 2011 ng Enero, nasa shooting siya ng pelikulang Brothers and Sisters kasama si Dustin Milligan at inanunsiyo din na kasama si Monteith sa isang ipapalabas na komedya bilang tauhan at isa sa mga tagalikha.
Karera bilang musikero
baguhinSi Monteith ay tumutugtog ng drums para sa isang banda sa Los Angeles na nangangalang "Bonnie Dune". Kabilang sa mga miyembro ng banda sila Justin Wilczynski bilang pangunahing tagaawit (kung saan ay lumabas din sa maikling seryeng Kaya sa MTV kasama si Cory Monteith), Seth Roberts sa gitara (tagaawit ng bandang "Lakers")at Joshua Kerr sa bass. Nais ni Cory na ipagpatuloy ang talento niya sa pagaawit sa kanyang buhay.
Mga pelikula
baguhinTaon | Pelikula | Gumanap bilang | Tala |
---|---|---|---|
2005 | Killer Bash | Douglas Waylan Hart | TV film |
2006 | Bloody Mary | Paul Zuckerman | |
2006 | Kraken: Tentacles of the Deep | Michael | Pelikulang Pantelebisyon |
2006 | Deck the Halls | Madison's date | |
2006 | Final Destination 3 | Kahill | |
2007 | Hybrid | Aaron Scates | Pelikulang Pantelebisyon |
2007 | White Noise: The Light | Scooter guy | |
2007 | Gone | Davis Calder | Maikling Pelikula |
2007 | The Invisible | Jimmy | |
2007 | Whisper | Teenage boy | |
2007 | Wannabe Macks | Stu | |
2008 | The Boy Next Door | Jason | Pelikulang Pantelebisyon |
2011 | Breaking the Girl | ||
2011 | Monte Carlo | Owen | |
2011 | Sisters and Brothers | Justin | Post-production |
Taon | Titulo | Gumanap bilang | Titulo at Parangal |
---|---|---|---|
2004 | Stargate Atlantis | Genii Private | Kabanata "The Storm" |
2005 | Young Blades | Marcel Le Rue | Kabanata "To Heir Is Human" |
2005 | Supernatural | Gary | Kabanata "Wendigo" |
2005 | Smallville | Frat Cowboy | Kabanata "Thirst" |
2005 | Killer Instinct | Windsurfer Bob | Kabanata "Forget Me Not" |
2006 | Whistler | Lip Ring | Kabanata "The Burden of Truth" |
2006 | Stargate SG-1 | Young Mitchell | Kabanata "200" |
2006 | Kyle XY | Charlie Tanner | Recurring role (7 episodes, 2006—2007) |
2007 | Flash Gordon | Ian Finley | Kabanata "Life Source" |
2007 | Kaya | Gunnar | Pangunahing Tauhan (10 episodes) |
2008 | Fear Itself | James | Kabanata "New Year's Day" |
2009 | Mistresses | Jason | |
2009 | The Assistants | Shane Baker | 2 Kabanata |
2009–2013 | Glee | Finn Hudson | Pangunahing Tauhan (2009–present) Screen Actors Guild Award for Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series (shared with Glee cast) Nominado—Teen Choice Award for Choice TV: Breakout Star Male (2009) Nominado—Teen Choice Award for Choice TV Actor: Comedy (2010) Nominado—Teen Choice Award for Choice TV Music: Group (2010) (shared with Glee cast) |
2010 | The Simpsons | Flynn | Boses, Kabanata "Elementary School Musical" |
2011 | The Cleveland Show | Finn Hudson | Boses, Kabanata How Do You Solve a Problem Like Roberta? |
Mga parangal
baguhinMga parangal na napanalunan
baguhin- Hollywood Style Awards 2010
- Male Future Style Icon Award
- SAG Awards 2010
- Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series
Mga nominasyon
baguhin- SAG Awards 2011
- Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series
- Teen Choice Awards 2009
- Choice TV: Actor Breakout Star Male
- Teen Choice Awards 2010
- Choice TV: Comedy Actor
- Choice Smile