Kasingay

(Idinirekta mula sa Cramp)

Ang klampa[1], mordansa[1], o kasingay[1] (Ingles: clamp[1], cramp) ay isang uri ng gato[1] o kasangkapang pang-ipit[1] na ginagamit panghawak ng mahigpit sa mga bagay upang mapigilan ang paggalaw o paghihiwalay kapag pinatungan ng paloob na presyon o lakas. Sa Nagkakaisang Kaharian at Mexico, mas ginagamit ang salitang cramp kaysa clamp, partikular na kung pansamantala lang ang pagpoposisyon o pagpupuwesto habang nagbubuo o gumagawa. Maraming mga uri ng mga klampang makukuha para sa iba't ibang layuning panggawain. May ilang panandalian lamang, katulad ng sa pagkukumpuni, at mayroon namang pampalagian o permanenteng pagdirikit.

Isang pangkat ng mga nakahanay na klampang panggawaing pangkahoy.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Gaboy, Luciano L. Clamp, klampa, mordansa, kasingay, pang-ipit - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Talaaklatan

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.