Buwaya

(Idinirekta mula sa Crocodile)

Ang mga buwaya (Malayo: buaya) o kokodrilo (Kastila: cocodrilo) ay isang reptilia na kabilang sa pamilya Crocodylidae (minsan ay nauuri bilang subpamilya Crocodylinae). Tinatawag ding buwaya ang mga kabilang sa orden ng Crocodylia gaya ng mga kabilang sa pamilya Alligatoridae (alligator at caiman) at pamilya Gavialidae (gharial).

Mga buwaya
Temporal na saklaw: Eoseno – Kamakailan, 55–0 Ma
Nile crocodile (Crocodylus niloticus)
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Reptilia
Orden: Crocodilia
Pamilya: Crocodylidae
Cuvier, 1807
Tipo ng espesye
Crocodylus niloticus
Laurenti, 1768
Buwaya sa Tawi Tawi
Distrubition of crocodiles

Ang mga buwaya ay malalaking reptiliang naninirahan sa mga matubig na lugar. Matatagpuan sila sa malaking bahagi ng Tropikal na rehiyon ng Asya, Aprika, ng mga Amerika, at Australya. Nahihilig na manirahan ang mga buwaya sa mga ilog na mabagal ang agos. Maaari silang kumain ng iba't ibang uri ng buhay at patay na mga mammal at isda. Ang ilang uri, kilala dito ang Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australya at ng mga pulo sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran at tumatawid ng mga dagat.

Iba't ibang tawag

baguhin

Ang buwaya ay tinatawag na dapi, dapu sa (Kapampangan), krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), at vaya sa (Ibanag)

Sa wikang Tagalog, parehong tinatawag na Buwaya ang mga miyembro ng Crocoylidae (crocodile) at Alligatoridae (aligator).[1] Sa Bibliya, tinagurian itong isang leviatan.[2]

Taksonomiya ng Crocodylidae

baguhin

Karamihan sa mga uri ng buwaya ay napapabilang sa sari ng Crocodylus. Ang ibang sari sa loob ng pamilyang ito ay monotipiko: Osteolaemus at Tomistoma.

  • Tomistoma schlegelii

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Copewithcytoknes.de[patay na link]
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Leviatan, Job 40:25, "buwaya", ayon kay Jose C. Abriol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.