Pompyang

(Idinirekta mula sa Cymbal)

Ang pompyang ay mga instrumentong perkusyon o panugtog na binibira, pinapalo, tinatapik, o pinagbabangga upang makalikha ng tunog. Kilala rin bilang simbal o simbalo, mga disko itong yari sa tanso, tansong-pula, o natatanging alloy. Kahawig sila ng mga takip ng kaserola o kawali, ngunit may maliit na umbok sa gitna at may mga taling lumalagos sa isang butas. Tinatawag na simbalero, simbalista, mampopompyang, o tagapompyang ang taong tagatugtog ng mga pompyang.[1][2] Pangkaraniwan sa mga ito ang magkaparis na mga payat na piraso ng metal, na hinahawakan ng tig-isang kamay at pinagbabanggaan, kaya't nakalilikha ng musikang may ritmo.[3]

Isang pares ng mga pompyang.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Cymbal, simbal, pompyang - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Cymbal". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Cymbal, simbalo Naka-arkibo 2012-12-01 sa Wayback Machine.
  3. American Bible Society (2009). "Cymbals". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 132.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.