DWDM-FM

himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas

Ang DWDM (95.5 FM), sumasahimpapawid bilang Eagle FM 95.5, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Eagle Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa EBC Bldg., No. 25 Central Ave., Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Redeemer St. Milton Hills Subdivision, Brgy. New Era, Lungsod Quezon.[1]

Eagle FM (DWDM)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod Quezon
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar
Frequency95.5 MHz
TatakEagle FM 95.5
Palatuntunan
WikaEnglish
FormatClassic hits, OPM
Pagmamay-ari
May-ariEagle Broadcasting Corporation
DZEC Radyo Agila
DZEC-DTV (Net 25)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1973
Dating call sign
DZBU (1973–1981)
Dating frequency
107.9 (1973–1978)
Kahulagan ng call sign
Dominador Manalo
Dazzling Music (former slogan)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassB, C, D
Power25,000 watts
ERP75,000 watts
Link
WebcastListen Live
WebsiteEagle FM 95.5

Kasaysayan

baguhin

1973–1992: DZBU/DWDM

baguhin

Itinatag ang himpilang ito noong 1973 bilang DZBU 107.9 FM. Karamihan sa mga programang inere nung panahong yan ay galing sa DZEC. Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitang ito sa 95.5 FM. Noong 1981, nagpalit ito ng call letters sa DWDM. Makalipas ng ilang taon, lumipat ito sa Maligaya Bldg. II sa EDSA.

1992–2002: Pinoy Radio

baguhin

Noong 1992, naging Pinoy Radio DM 95.5 (ninety-five-five) ito na may Top 40 na format na kumiling sa OPM. Naglunsad ito ng Pinoy Music Awards para sa mga mangangawit at bandang sariling atin.

2002–2007: DWDM 95.5

baguhin

Noong 2002, naging DWDM 95.5 (pronounced as "ninety-five-point-five") ito na may adult contemporary na format. Binansagang ito na "Dazzling Music" at "Feel Your Music". Tuwing weekdays, nagpatugtog ito ng mga musika mula sa dekada 90 hanggang sa kasalukuyang panahon at nagpatugtog ito ng rock music tuwing gabi sa programang Fascinating Refreshing Classics Tuwing weekends, nagpatugtog ito ng mga musika mula sa dekada 70 at 80.

Nawala ito sa ere noong Enero 2007 para ayusin ang transmiter nito. Noong Mayo, pansamanatala ito bumalik sa ere, ngungit tuwing umaga lamang (9:00 am - 1:00 pm) bago ito tuluyang nawala sa ere noong Hunyo 8.

2011–2020: Pinas FM

baguhin

Noong Abril 8, 2011, bumalik ito sa ere bilang pagsusuri sa himpapawid. Lumipat ito sa New Era University Barn Building. Noong Mayo 16, inilunsad ito bilang Pinas FM 955 na binansagang "Ang Pambansang FM". Umere ito ng Adult Top 40 na format. Noong Pebrero 12, 2013, lumipat ito, ang DZEC Radyo Agila at Net 25, sa EBC Building.

Noong Abril 2014, inilunsad ng Pinas FM ang sarili nitong jingle "Pinas FM: Tahanan ng OPM", na inawit nina Davey Langit, Aikee at Chadleen Lacdo-o. Mula sa panahong ito, unti-unti ito binawasan ang pagtugtog ng mga awit na pang-dayuhan;

Noong Oktubre 5, 2014, ito ang naging kauna-unahang himpilan sa FM sa buong bansa na nagpatugtog ng Original Pilipino Music bilang pagsuporta sa mga mangangawit at bandang sariling atin. Ito din ang naging opisyal na himpilan ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).[2]

Noong Setyembre 30, 2019, muli itong inilunsad sa pamamagitan ng bago nitong jingle "Pinoy Ka, Dito Ka", na kinanta nina Ney Dimaculangan ng 6Cycleind at Acel Bisa ng Moonstar88, at ng "The Switch" concert.[3]

Noong Disyembre 21, 2020, namaalam ang Pinas FM sa ere.

2021-present: Eagle FM

baguhin

Noong Disyembre 29, 2020, binitiw ang Pinas FM branding at nagpalit ito ng format sa classic hits.

Noong Enero 20, 2021, inilunsad ang himpilang ito bilang Eagle FM 95.5.[4]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "EBC FILMS: Soaring High Across The Miles". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2020. Nakuha noong Agosto 27, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Deserving do overs from a certified chanteuse and a dynamite diva
  3. 95.5 PINAS FM to ‘switch’ on September 30 with OPM artists
  4. "EBC rebrands FM radio to Eagle FM 95.5 to mark its 10th year". Eagle News. Pebrero 24, 2021. Nakuha noong Pebrero 24, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)