Ang DWKV (102.3 FM), mas kilala bilang 102.3 Tricab Infinite Radio, ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari ng Kaissar Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Tricab Media Production. Ang studio at transmitter nito ay matatagpuan sa EMT Building, P. Laygo St., Lipa, Batangas.[1][2]

Tricab Infinite Radio (DWKV)
Pamayanan
ng lisensya
Lipa
Lugar na
pinagsisilbihan
Silangang Batangas at mga karatig na lugar
Frequency102.3 MHz
Tatak102.3 Tricab Infinite Radio
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
Pagmamay-ari
May-ariKaissar Broadcasting Network
OperatorTricab Media Production
Kaysaysayn
Unang pag-ere
22 Disyembre 2010 (2010-12-22)
Dating pangalan
Citibeat (December 22, 2010-March 15, 2023)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power5,000 watts
Coordinates ng transmiter
Map
13°56′33″N 121°09′08″E / 13.94252°N 121.15209°E / 13.94252; 121.15209
Link
WebsiteWebsite

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang istasyong ito noong Disyembre 22, 2010 bilang CitiBeat 102.3 FM. Noong panahong iyon, nasa 3rd floor ng JR Business Complex sa Brgy. Mataas na Lupa ang una nitong studio. Kabilang sa mga personalidad nito ay sina Ron Lozano (ngayon ay nasa DWIZ), Zeus Corneja, Cristina Parriente, at Amor Santiago (ngayon ay nasa 98.5 Cool FM).

Sa mga unang buwan ng operasyon nito, pinuna ang CitiBeat dahil sa problema ng signal feed nito. Inayos ito nung 2013.

Noong Marso 2012, inilunsad ng istasyon ang Radyo Istariray, isang paligsahang pag-awit sa radyo na nagtampok sa mga naghahangad na mang-aawit na naglalaban para sa mga premyo mula sa mga sponsor ng istasyon. Gayunpaman, noong Hunyo 2012, pinilitang itigil ng istasyong ito ang paligsahan dahil sa mga isyu sa sponsorship nito.

Noong Marso 15, 2023, nawala sa ere ang CitiBeat.

Noong Abril 2023, bumalik sa ere ang istasyon, sa pagkakataong ito bilang Tricab Infinite Radio sa ilalim ng pamamahala ng Tricab Media Production.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "TABLE 20.7a" (PDF), 2011 Philippine Yearbook, Philippine Statistics Authority, pp. 18–45, nakuha noong 2021-02-13{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2020 NTC FM Stations" (PDF). foi.gov.ph. Nakuha noong 2021-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin