DWRA
Ang DWRA (92.7 FM), sumasahimpapawid bilang Barangay FM 92.7, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng GMA Network Inc. Ang estudyo ng istasyon ay matatagpuan sa 2nd Floor, Baguio Midland Courier, #16 Kisad Rd., Baguio, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Lamut, Bekel, La Trinidad.[1][2][3]
Pamayanan ng lisensya | Baguio |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Benguet, La Union at mga karatig na lugar |
Frequency | 92.7 MHz |
Tatak | Barangay FM 92.7 |
Palatuntunan | |
Wika | Ilocano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, OPM |
Network | Barangay FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | GMA Network |
GMA TV-10 North Central Luzon GTV 22 Benguet | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 6 Oktubre 1996 |
Dating pangalan | Campus Radio (1996–2014) |
Kahulagan ng call sign | RAdio |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 25,000 watts |
Link | |
Website | www.gmanetwork.com |
Mga parangal at pagkilala
baguhinNoong 2002 at 2003, napiling finalist ang istasyon sa KBP Golden Dove Awards para sa Best Provincial Radio Variety Show (Campus Centerfold) at Provincial Radio Variety Show Host (Bobby Boom).
Noong 2010 at 2011, napiling finalist ang programa ng istasyon na "Talk To Papa" para sa Best Radio Counseling Program sa Catholic Mass Media Awards.
Noong 2011, napiling finalist ang "Mga Kuwentong Karnero" ng istasyon (ngayon ay Pelikulang Panradyo) para sa Best Radio Drama program. Ang Campus Radio DJ na "Papa Boom" ay binoto rin bilang Best Male DJ noong 2011 at 2012 ng UP Baguio Dap-ay Awards for Media.[4]
Mga kaganapan
baguhinKilala ang himpilang ito sa pagtatanghal nito, "Bulaklak Rock" na nagsimula noong 2004 hanggang 2011. Noong 2012, inilunsad nila ang "Bulaklak Rock: Acoustic Session" sa Session Road In Bloom ng Pista ng Panagbenga. Noong 2013, itinanghal nila ang unang "Campus Radio Streetjump Session: Baguio's Ultimate Dance Battle" para sa mga tagasayaw ng Hilagang Luzon.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Campus Radio Baguio Celebrates 5th Anniversary". Manila Standard. Oktubre 6, 2001.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Barangay LS: One country, one barangay, one sound". Philstar. Marso 24, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "City commends honest individuals". Baguio Government.
- ↑ "Barangay 92.7". Prezi. Pebrero 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Panagbenga Festival 2012 Schedule". Flowgalindez. Pebrero 19, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)