DWUB
Ang DWUB (98.7 FM), sumasahimpapawid bilang Z Radio 98.7, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Sphere Entertainment (dating kilala bilang Benguet Broadcasting Corporation). Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa AMS Bldg., Unibersidad ng Baguio, Gen. Luna Rd., Baguio.[1][2][3][4][5][6]
Pamayanan ng lisensya | Baguio |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Benguet, La Union at mga karatig na lugar |
Frequency | 98.7 MHz |
Tatak | Z Radio 98.7 |
Palatuntunan | |
Wika | Ilocano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, OPM, Talk |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Sphere Entertainment |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 6 Nobyembre 2006 |
Kahulagan ng call sign | Unibersidad ng Baguio |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 5,000 watts |
ERP | 10,000 watts |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang Z Radio noong Nobyembre 2006 bilang isang himpilan ng Unibersidad ng Baguio. Pagkalipas ng ilang taon, binago ang programming nito, kung saan umere ito ng programang pangtalakay sa umaga at Top 40 na format sa buong araw. Noong 2019, nagpalit ito ng format sa pang-masa.