DWUP
Ang DWUP (89.7 FM), sumasahimpapawid bilang Radio Wesleyan 89.7, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Wesleyan University Philippines. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 5th floor of ComSci Bldg., WUP Campus, Sampaguita St., Mabini Extension Cabanatuan.[1][2][3]
Pamayanan ng lisensya | Cabanatuan |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Cabanatuan |
Frequency | 89.7 MHz |
Tatak | Radio Wesleyan 89.7 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino, English |
Format | College Radio |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Wesleyan University Philippines |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1972 (sa AM) February 7, 2005 (sa FM) |
Kahulagan ng call sign | Wesleyan University Philippines |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10 watts |
Link | |
Website | FB Page |
Kasaysayan
baguhinNagmula ang himpilang ito noong dekaka 70 sa AM. Gamit ang transmiter na gawa ni Celestino Lucero mula sa parte galing sa Clark Air Base, nagsagawa ito ng suring pagsasahimpapawid ng ilang linggo. Gayunpaman, maraming mga pangyayari ang humadlang sa opisyal na pagsasahimpapawid nito hanggang sa namayapa si Lucero.
Noong 2004, muling binuhay ni pangulong Guillermo Maglaya ang ideyang ito, ngayon sa FM. Noong Pebrero 7, 2005, nagsagawa muli ito ng suring pagsasahimpapawid. Noong Julyo 1 sa taong yan, opisyal nang itinatag ang Radio Wesleyan bilang kauna-unahang himpilan sa Gitnang Luzon na pinag-arian ng isang kolehiyo.[2]