Ang DXUE (103.5 FM), sumasahimpapawid bilang Halo Halo 103.5, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Viva South, Inc. ng Viva Entertainment. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Room 404, BGIDC Bldg., Nuñez St. cor. Tomas Claudio St., Lungsod ng Zamboanga.[1]

Halo Halo Zamboanga (DXUE)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Zamboanga
Lugar na
pinagsisilbihan
Lungsod ng Zamboanga, Basilan at mga karatig na lugar
Frequency103.5 MHz
TatakHalo Halo 103.5
Palatuntunan
WikaChavacano, Filipino
FormatOPM
NetworkHalo Halo Radio
Pagmamay-ari
May-ariViva South, Inc.
(Ultimate Entertainment Inc.)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1996
Dating pangalan
  • Ultimate Radio 103.5 UE (1996–2013)
  • Oomph Radio (October 2014-February 2017)
Kahulagan ng call sign
Ultimate Entertainment
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
ERP25,000 watts

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang himpilang ito noong 1996 bilang Ultimate Radio 103.5 UE. Meron itong Top 40 na format na binansagang The Spirit of Zamboanga.

 
Oomph! Radyo (2015–2017)

Noong 2013, binili ng Viva South ang prangkisa ng Ultimate Entertainment Inc. Noong Oktubre 2014, bumalik ito sa ere bilang Oomph Radio, na may Top 40 na format. Noong Pebrero 2017, binitiw ng himpilang ito ang Oomph Radio.

Noong Mayo 1, 2017, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Halo Halo, ang kauna-unahang at tanging himpilan sa lungsod na tumugtog lamang ng Original Pilipino Music.[2][3]

Mga sanggunian

baguhin