DYES-FM
Ang DYES (102.7 FM), sumasahimpapawid bilang 102.7 Easy Rock, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng MBC Media Group sa pamamagitan ng Pacific Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Eggling Subd., Busay Hills, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Legacy Village, Brgy. Kalunasan, Lungsod ng Cebu.[1]
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Cebu |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar |
Frequency | 102.7 MHz |
Tatak | 102.7 Easy Rock |
Palatuntunan | |
Wika | English |
Format | Soft adult contemporary |
Network | Easy Rock |
Pagmamay-ari | |
May-ari | MBC Media Group (Pacific Broadcasting System) |
DYRC Aksyon Radyo, DZRH Cebu, 91.5 Yes FM, 97.9 Love Radio, Radyo Natin 103.9 Pinamugajan, DYBU-DTV 43 | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 18 Disyembre 1995 |
Dating call sign | DYTO (1995–2000) |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | YES FM (former branding) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | A/B/C |
Power | 25,000 watts |
ERP | 45,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | easyrock.com.ph/cebu |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang himpilang ito noong Disyembre 18, 1995 bilang riley ng Showbiz Tsismis na nakabase sa Maynila sa ilalim ng mga call letter na DYTO. Sa panahong ito, nasa Golden Peak Hotel and Suites sa kahabaan ng Gorordo Ave. ang transmiter nito.
Noong Mayo 1, 2000, binago ng istasyon ang mga call letter nito sa DYES at naging 102.7 Yes FM ito na may pang-masa na format. Sa pagkakataong ito, lumipat ang tahanan at transmiter nito sa Busay Hills, kasama ang DYBU at DYHR.
Noong Hulyo 1, 2009, naging 102.7 Easy Rock ito na may soft adult contemporary na format, na nakikipagkumpitensya sa WRocK.
Noong 2024, lumipat ang pasilidad ng transmiter nito sa Brgy. Kalunasan.