Ang DYKU (88.7 FM), sumasahimpapawid bilang 88.7 K5 News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng FBS Radio Network at pinamamahalaan ng 5K Broadcasting Network Inc. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Door 5, Paula Apartment, M. Jayme St, Jaro, Lungsod ng Iloilo.[1][2]

K5 News FM Iloilo (DYKU)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Iloilo
Lugar na
pinagsisilbihan
Iloilo, Guimaras at mga karatig na lugar
Frequency88.7 MHz
Tatak88.7 K5 News FM
Palatuntunan
WikaHiligaynon, Filipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkK5 News FM
Pagmamay-ari
May-ariFBS Radio Network
Operator5K Broadcasting Network
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1996
Dating pangalan
  • Mellow Touch (1996–2000)
  • Radio One (2000-2010)
  • Mellow 88.7 (2010-2015)
  • Radyo Bandera Sweet FM (2021-2023)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
ERP20,000 watts
Link
WebsiteWebsite

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang himpilang ito noong 1996 bilang Mellow Touch 88.7 na may easy listening na format. Noong 2000, naging Radio One 88.7 ito na may Top 40 na format. Noong Enero 2010, nawala ito sa ere dahil sa mga problema sa transmitter. Noong Hulyo 2010, bumalik ito sa ere bilang Mellow 887 na may Adult Top 40 na format. Nawala ito sa ere noong 2015.

Noong huling bahagi ng Mayo 2021, kinuha ng 5K Broadcasting Network ang operasyon ng himpilang ito na naging Radyo Bandera Sweet FM. Noong Disyembre 1, 2023, ang lahat ng istasyon ng Radyo Bandera Sweet FM ay naging K5 News FM.[3][4]

Mga sanggunian

baguhin