DYPC
Ang DYPC (88.7 FM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Mandaue Broadcasting Center ng Mandaue City College.[1]
Pamayanan ng lisensya | Mandaue |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar |
Frequency | 88.7 MHz |
Palatuntunan | |
Format | Silent |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Mandaue Broadcasting Center |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 16 Hunyo 2013 |
Huling pag-ere | Disyembre 2019 |
Dating frequency | 91.8 MHz (2013–2015) 91.9 MHz (2015–2017) 87.9 MHz (2017) |
Kahulagan ng call sign | Paulus Cañete |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang DYPC noong Hunyo 16, 2013 sa 91.8 MHz. Dati ito nagsilbing hinpilang pang-kolehiyo ng Mandaue City College, isang hindi kinikilala at hindi akreditadong kolehiyo na pag-aari ni Dr. Paulus Mariea L. Cañete. Nawala ito sa ere noong huling bahagi ng 2014.[2]
Noong Pebrero 3, 2015, bumalik ito sa ere sa 91.9 MHz, sa ilalim ng Mandaue Broadcasting Center. May halong musika at balita sa format nito. Binansagan itong "Way Unay!" (lit. tulad ng walang iba ).[3]
Noong Agosto 26, 2015, ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang DYPC dahil hindi ito umano lisensyado. Makalipas ng tatlong araw, bumalik ito sa ere.[4]
Noong Setyembre 19, 2017, lumipat ang talapihitan nito sa 88.7 MHz sa pagapruba ng NTC . Mula noon, naging kaakibat ito ng Vimcontu Broadcasting Corporation, na may-ari ng DYLA.
Noong Disyembre 2019, nawala ulit ito sa ere.