DYUR
Ang DYUR (105.1 FM), sumasahimpapawid bilang 105.1 TMC, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Ultimate Entertainment Inc. at pinamamahalaan ng Tops Media Center. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Unit 401, 4th Floor, Tops Circle, Brgy. Malubog, Busay, Lungsod ng Cebu.[1][2]
Pamayanan ng lisensya | Cebu City |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Metro Cebu and surrounding areas |
Frequency | 105.1 MHz |
Tatak | 105.1 TMC |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | Vispop, OPM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Viva South (Ultimate Entertainment Inc.) |
Operator | Tops Media Center |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1993 |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | Ultimate Radio (former branding) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 50,000 watts |
HAAT | 663 meters |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | topsmediacenter.com |
Kasaysayan
baguhin1993-2010: UR105 Ultimate Radio
baguhinItinatag ang himpilang ito noong 1993 bilang UR105 Ultimate Radio . Meron itong Top 40 na format. Nasa ikaapat na palapag ng JRDC Building sa kahabaan ng Osmeña Boulevard ang una nitong tahanan hanggang sa huling bahagi ng 2000s, nung lumipat ito sa ikalawang palapag ng AMP Building sa Lower Nivel Hills.
2010-2013: Mango Radio
baguhinNoong 2010, kasunod ng tagumpay ng isang programang Kristiyano na inilunsad nung isang taon, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Mango Radio UR105 na may christian radio na format. Nagpapalabas din ito ng ilang mga programa mula sa Mango Radio Davao.[3]
Nawala ito minsan sa 4th quarter ng 2013. Sa unang bahagi ng taong iyon, binili ng Viva South ang prangkisa ng Ultimate Entertainment mula sa pamilya Manalang. Dahil dito, lumipat ang himapapwid ng Mango Radio sa online.
2013-2017: Oomph Radio/UR105
baguhinNoong Oktubre 2014, bumalik ito sa ere bilang pagsuri mula sa bago nitong Nautel NV10 transmiter. Nang sumunod na buwan, inilunsad ang himpilang ito bilang Oomph Radio 105.1. Meron itong CHR/Top 40 format nabinansagang "Nice Paminawon". Opisyal itong inilunsad noong Setyembre 13, 2015, sa The Terraces Ayala Center Cebu.
Noong Hulyo 2016, ipinakilala ang Anime, J-Pop at K-Pop na musika sa programming nito.
Noong Pebrero 2017, binitiw ng himpilang ito ang Oomph Radio.[4]
2017-2024: Halo Halo Radio
baguhinNoong Mayo 1, 2017, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Halo Halo, ang kauna-unahang at tanging himpilan sa lungsod na tumugtog lamang ng Original Pilipino Music.[5]
Noong 2019, lumipat ito sa ikatlong palapag ng The Space Building sa Mandaue, kung saan matatagpuan din ang mga pang-rehyional na opisina ng Viva.
Noong Agosto 2, 2024, namaalam ang Halo Halo Radio sa ere.
2024-kasalukuyan: TMC
baguhinNoong Agosto 10, 2024, binili ng Tops Media Center, na pagmamay-ari ng content creator na si James Magik (Kuya Magik) at dating Y101 FM personality na si Jiggy Jr. (Jiggy Juice), ang mga operasyon ng himpilang ito na muling inilunsad bilang 105.1 TMC. Ito ang kauna-unahang himpilan sa lungsod na tumutugtog lamang ng Vispop. Lumipat ito sa bago nitong tahanan sa ikaapat na palapag ng Tops Circle sa Busay. Opisyal itong inilunsad noong Setyembre 27, 2024.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Cebu FM Broadcast Stations | NTC Region 7
- ↑ VIVA VIVA launches launches all-OPM radio station
- ↑ The Reunion - UR105 jocks
- ↑ Oomph Radio 105.1 Cebu stages star-studded grand launch this weekend
- ↑ Halo Halo Radio boosts Pinoy pop in the Southern Mindanao
- ↑ Cebu’s iconic landmark TOPS launches own media center