Ang DYXL (93.9 FM), sumasahimpapawid bilang 93.9 iFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Ang estudyo at mga opisina nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center, G/F Capitol Central Hotel & Suites, N. Escario St. cor. F. Ramos Ext., Capitol Site, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Sitio Seaside Asinan, Brgy. Basak San Nicolas, Lungsod ng Cebu.[2][3]

iFM Cebu (DYXL)
Pamayanan
ng lisensya
Cebu City
Lugar na
pinagsisilbihan
Metro Cebu and surrounding areas
Frequency93.9 MHz
Tatak93.9 iFM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkiFM
Pagmamay-ari
May-ariRadio Mindanao Network
DYHP RMN Cebu
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1976 (as DYHP-FM)
9 Setyembre 1978 (1978-09-09) (as DYXL-FM)
Dating call sign
DYHP-FM (1976–1978)[1]
Dating pangalan
  • YXL 93.9 (1978–1992)
  • Smile Radio (1992–1999)
  • 939 XLFM (1999–2002)
Kahulagan ng call sign
EXtra Large
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA, B, C, D, E
Power10,000 watts
ERP32,000 watts
Link
WebcastListen Live via (AMFMPH)
Padron:TuneIn
WebsiteiFM Cebu

Kasaysayan

baguhin

1976–1992: DYHP/YXL

baguhin

Ikatlong himpilan sa FM ang himpilang ito na itinatag noong 1976 sa ilalim ng call letters na DYHP.

Pagkalipas ng dalawang taon, opisyal itong inilunsad noong Setyembre 9, 1978 bilang YXL 93.9. Meron itong easy listening na format na binansagan itong "The Beautiful Romance". Nasa Gilmore Bldg. ang una nitong tahanan.

1992–1999: Smile Radio

baguhin

Noong Agosto 16, 1992, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Smile Radio 93.9 YXL na binansagang "The Voice of Music", na nagmula sa punong himpilan nito na nakabase sa Cagayan de Oro. Meron itong pang-masa na format. Noong 1993, lumipat ito sa Gold Palace Bldg. sa Osmeña Blvd.

Namaalam ang Smile Radio sa ere noong Nobyembre 22, 1999.

1999–2002: XLFM

baguhin

Noong Nobyembre 23, 1999, naging 939 XLFM ito na binansagang "Live it Up!". Meron itong Top 40 na format.[4]

Namaalam ang XLFM sa ere noong Mayo 15, 2002.

2002–kasalukuyan: iFM

baguhin

Noong Mayo 16, 2002, muling inilunsad ang himpilang ito bilang 93.9 iFM at binalik nito ang pang-masa na format.

Noong Mayo 26, 2012, lumipat nito ng DYHP sa kasalukuyan nitong tahanan sa Ground Floor ng Capitol Central Hotel and Suites sa kahabaan ng Capitol Site.

Noong 2019, nagdagdag ito ng balita at talakayan sa format nito at nagsimulang i-relay ang programa ng DYHP na Straight To The Point . Noong kalagitnaan ng 2022, naging iFM Music and News ito para sa mga programang pang-balita at talakayan.

Noong Hulyo 25, 2022, nag-upgrade ang istasyon sa isang bagong pinahusay na 10,000-watt transmitter sa Sitio Seaside Asinan, Brgy. Basak San Nicolas para sa mas magandang pagtanggap ng signal at kalidad ng audio.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "TABLE 24.7a", 1978 Philippine Yearbook, Philippine Yearbook: 819–2099, 1979, nakuha noong 2023-02-25{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. CEBU FM BROADCAST STATIONS | NTC Region 10
  3. iFM 93.9 Cebu DYXL Radio Station Broadcast Studio
  4. DJ Raoul mixing pleasure and hard work