Ang DZVV (603 AM) Bombo Radyo ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Bombo Radyo Philippines sa pamamagitan ng People's Broadcasting Service bilang tagahawak ng lisensya. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Bombo Radyo Broadcast Center, Brgy. Tamag, Vigan.[1][2][3][4]

Bombo Radyo Vigan (DZVV)
Pamayanan
ng lisensya
Vigan
Lugar na
pinagsisilbihan
Ilocos Sur, Abra at mga karatig na lugar
Frequency603 kHz
TatakDZVV Bombo Radyo
Palatuntunan
WikaIlocano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
NetworkBombo Radyo
Pagmamay-ari
May-ariBombo Radyo Philippines
(People's Broadcasting Service, Inc.)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1967
Dating frequency
570 kHz (1967–1978)
585 kHz (1978–1986)
Kahulagan ng call sign
Voice of Vigan
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power5,000 watts
ERP10,000 watts
Link
WebcastListen Live
WebsiteBombo Radyo Vigan

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang DZVV noong 1967 sa dati nitong tahanan sa kahabaan ng General Luna St., na kasalukuyang lugar ng isang pribadong paaralan. Ang dati nitong transmiter ay matatagpuan sa gilid ng Govantes River, malapit sa boundary ng Vigan at Bantay (ang base nito ay makikita hanggang ngayon sa orihinal nitong lokasyon). Inilunsad ng himpilang ito ang karera nina Danny Tajon, Heny Tabangcura, at Gil Ballesteros.

Noong 1984, lumipat ito sa kasalukuyang lokasyon nito sa Brgy. Tamag, ilang taon matapos binili ng Bombo Radyo ang himpilang ito. Pagkalipas ng ilang taon, lumipat ang talapihitang ito mula 585 kHz sa 603 kHz para sa mas magandang sagap ng signal.

Mga sanggunian

baguhin