Daequan Cook
Daequan Cook (ipinanganak noong 28 Abril 1987 mula sa Dayton, Ohio) ay isang Amerikanong manlalaro ng basketbol para sa Ironi Nes Ziona.
Personal information | |
---|---|
Born | Dayton, Ohio | 28 Abril 1987
Nationality | Amerikano |
Listed height | 6 tal 5 pul (1.96 m) |
Listed weight | 210 lb (95 kg) |
Career information | |
High school | Dunbar (Dayton, Ohio) |
College | Ohio State (2006–2007) |
NBA draft | 2007 / Round: 1 / Pick: ika-21 overall |
Selected by the Philadelphia 76ers | |
Playing career | 2007–kasalukuyan |
Position | Shooting guard / Small forward |
Career history | |
2007–2010 | Miami Heat |
2008 | →Iowa Energy |
2010–2012 | Oklahoma City Thunder |
2012–2013 | Houston Rockets |
2013 | Chicago Bulls |
2013–2014 | Budivelnyk |
2014 | Walter Tigers Tübingen |
2014–2015 | SPO Rouen Basket |
2015–2016 | Benfica |
2016–2017 | Chemidor Tehran |
2017–kasalukuyan | Ironi Nes Ziona |
Career highlights and awards | |
Stats at NBA.com | |
Noong 28 Hunyo 2007, si Cook ay napili mula sa 21st overall ng NBA Draft ng koponan ng Philadelphia 76ers ngunit daglian ding naipalit sa Miami Heat na may katumbas ding konsiderasyong pangpinansiyal, kapalit ni Jason Smith.
Si Cook ay may taas na 6 na talampakan at 3.75 na pulgaga at may bigat na 203 libras.
Mga unang taon
baguhinSi Daequan Cook ay anak ni Renae Cook. Siya ay may tatlong kapatid na sina Keishawn, Wendell, at Tauyonne.
Noong hayskul
baguhinSi Daequan Cook ay nagtapos ng high school mula sa Dunbar High School sa Dayton, Ohio. Bilang isang senior, pinangunahan niya ang Dunbar para sa kampeonatong pang-estado ng Ohio Divisio II . Sa loob ng dalawang laro sa Ohio State’s Value City Arena, siya ay nagkaroon ng karaniwang puntos na 24.5, 6.0 rebounds, 5.0 assists, at 3.5 steals sa loob ng 30.5 na minuto kada laro. Si Cook ay nagtamo ng parangal na third-team all state honors ng Ohio Division II bilang isang sophomore at first-team selection at co-player of the year ng Division II bilang isang junior at senior. Siya ay nakasama sa All American Team ng McDonald noong 2006. Sa kanyang paglalaro para sa West, si Daequan ay pumuntos ng 17 na nagpakita ng 5 sa 9 na 3-pointers.
Si Cook ay naglaro din sa SPICE Indy Heat hayskul kasama sina Greg Oden at Mike Conley, Jr. Si Cook ay siya ring pangunahing manlalaro sa pagpuntos nuong Big Time Event sa Las Vegas noong 2004. Ang koponan ay walang pagkatalo at siyang itinanghal na kampiyon.
Sa kolehiyo
baguhinBilang miyembro ng isa sa mga coach ng Ohio State University na si Thad Mata ng pamosong Thad Five, si Cook ay nagtala ng pangkaraniwang puntos na 10.2, 4.5 rebounds, 1.1 assists at 0.7 steals sa loob ng 20.4 minuto kada laro. Dahil nakilala siya sa kanyang purong jump shoot at abilidad na i-drive ang bola sa rim, sinasabi na si Cook ay may potensiyal na maging star. Nuong nakaraang 20 2 Abril 0007, si Cook ay nagpahayag ng kanyang intensiyon na pumasok sa NBA Draft ng 2007 kasama sina Oden at Conley.
Bilang miyembro ng Miami Heat
baguhinSi Daquean Cook ay orihinal na pinili ng Philadelphia 76ers para sa pang-21 pili sa draft ngunit daglain din siyang ipinalit sa Miami Heat para kay Jason Smith at sa konsiderasyon ng halaga ng bayad. Sinabi ng coach ng Miami Heat na si Pat Riley na si Cook ay isang iskorer na siyang kinakailangan ng Miami Heat.