Ang Dagat Hapon (にほんかい (日本海, nihonkai)) ay isang dagat sa kanlurang Pasipiko. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng tangway ng Korea at Kapuluang Hapones. Ang itong kapuluan ay naghihiwalay ng dagat sa Pasipiko, kaya, bilang Dagat Mediteraneo, ang itong dagat ay halos wala na itong alon, kasi halos buong paghihiwalay mula sa Pasipiko.

Mga pangalan

baguhin

Ang "Dagat Hapon" ay panguhaning pangalan na ginagamit sa Tagalog para sa dagat, at katumbas ang pangalan sa karamihan ng mga Europeong wika, pero ang magkapitbahay ng Hapon ay madalas na gumagamit ng mga ibang pangalan.

Ang dagat ay tinatawag na 日本海; Rìběn hǎi ("Hapon [ng] Dagat") o dati 鲸海; Jīng hǎi ("Balyena[ng] Dagat") sa Tsina, Японское море, Yaponskoye more ("Hapones na Dagat") sa Rusya, 조선동해, Chosŏn Tonghae ("Koreang Silangang Dagat") sa Hilagang Korea, at 동해, Donghae ("Silangang Dagat") sa Timog Korea.

Pampangalan pagtatalo

baguhin

Ang paggamit ng terminong "Dagat Hapon" bilang panguhaning pangalan ay layunin ng matagal na pagtatalo.

Ang unang suliranin sa pagtatalo ay hindi-pagkakaintindihan tungkol sa kung kailan ang pangalang "Dagat Hapon" ay naging pandaigdigang uliran. Ang Hapon ay nagpapaphayag na ang termino ay pandaigdigang uliran mula sa mahigit unang bahagi ng ika-19 na siglo, habang mga Korea ay nagpapahayag na nagpakita ang terminong "Dagat Hapon" habang naghari ang mga Hapones ng tangway (1910–1945), at bago ang okupasyon, ginagamit sa Ingles ang mga ibang pangalan bilang "Dagat Korea" o "Silangang Dagat". Tinatawag ang dagat na "Dagat Hapon" sa Encyclopædia Britannica.

Kasaysayan

baguhin

Sa loob ng maraming siglo, pinrotektahan ng dagat ang Hapon sa mga pagsalakay sa pamagitan ng lupa, lalo na mula sa mga Mongol. Sa itong bahat matagal na naglayag ang mga barko ng Asya at, mula sa ika-18 na siglo, ng Europa. Noong 1733–1743 na iminapa ng mga Rusong expedisyon ang Sakhalin at kapuluang Hapones. Noong dekada 1780, si Jean-François de Galaup, comte de Lapérouse, mula sa Pransiya, ay nagbiyahe paghilaga at tumawid ng kipot na tinawag para sa kanya. Noong 1796, si William Robert Broughton, isang Britakong opisyal ng hukbong-dagat, ginalugad ang Kipot ng Tartary, ang silangang baybayin ng Taga-Ruso Malayong Silangan, at ang Tangway ng Korea.

Noong 1803–1806, ni Adam Johann von Krusenstern, Rusong nabegador, habang inikot ang mundo sa barkong Nadezhda, maikli na ginalugad ang Dagat Hapon at ang mga silangang baybayin ng kapuluang Hapones. Noong 1849, ni Gennady Nevelskoy, ibang Rusong eksplorador, nadiskubre ang kipot sa pagitan ng kontinente at Sakhalin, at iminapa ang hilagang bihagi ng Kipot ng Tartary. Ginawa ng mga Rusong ekspedisyon noong 1853–1854 at 1886–1889 para sukatin ang temperatura ng ibabaw at irecord ang mga alon, at saka itala mabagyong pag-uugali ng mga agos.

Ang ibang sikat na mga ekspedisyon ay sumaklaw ng Britanikong ekspedisyong Challenger (1872–1876). Inilarawan ang buhay pantubig nina V. K. Brazhnikov noong 1899–1902 at P. Yu. Schmidt noong 1903–1904. Nagsimula ang Hapones na mga pagsusuri noong 1915 lang at naging sisistematiko noong dekada 1920.

Sa pagitan ng 1847 at 1892 hinabol ang mga balyena ng mga Amerikano, Kanadiyense, at Pranses. Pumasok ang maraming barko via Kipot ng Korea at umalis via Kipot ng La Pérouse, pero ilang mga barko ay pumasok at umalis via Kipot ng Tsugaru. Lalo na pinunterya ang Eubalaena japonica, pero nagsimula hulihin ang Megaptera novaeangliae habang bumaba ang populasyon ng E. japonica. May rin mga pagsubok para hulihin ang Balaenoptera musculus at Balaenoptera physalus, pero ang mga espesye ay laging lumubog pagkatapos ng pagpatay. Hinuli ang E. japonica sa pagitan ng Marso at Setyembre, lalo na sa Mayo at Hunyo. Noong pangunahing mga taong 1848 at 1849 higit sa 170 na barko (higit sa 60 noong 1848, at higit sa 110 noong 1849) naglayag sa Dagat Hapon, pero bumabas ang itong bilang sa sususunod taon.

Ang klima pandagat ay kinabalingan ng mainit na mga tubig at mga balaklaot. Nauuwi ang itong kumbinasyon sa malakas na pagsingaw, lalo na halata sa pagitan ng Oktubre at Marso kapag ang malakas na (12–15 m/s o mas mataas) hilaga-kanlurang hangin ng balaklaot ay nagdadala ng malamig at matuyo na hangin mula sa kontinente. Gumagalaw ang itong pagsingaw patimog at nagdadala niyebe sa mabundok na mga baybayin ng kanlurang Hapon. Ang taglamig ng balaklaot ay nagdadala ng bagyo na may mga alon ng 8–10 m na inaagnas ang naturang baybayin. Inirerecord ang tsunami sa dagat. At saka, nagpapabuti ang balaklaot ng kombeksyon ng tubig, mula sa ibabaw hanggang sa 30 m.

Ang pinakamamalamig buwan ay Enero at Pebrero na may mga temperatura ng −20 °C sa hilaga at 5 °C sa timog. Ang hilagang sangkapat ng dagat, lalo na Siberyang baybayin at Kipot ng Tartary, ay pinapalamig sa loob ng mga 4−5 buwan. Ang tiyempo at lawak ng pagpalamig ay iniiba taon-taon, kaya puwede mamuo ang yelo sa mga look kasing aga ng Oktubre at puwede makakita ang labi kahit sa Hunyo pa. Patuloy ang itong mayelong suklob sa mga look lang at hinuhubog ang lutong na mga tipok sa dagat mismo. Sa tagsibol nauuwi ang pagtunaw ng yelo sa malamig na kuryente sa hilagang mga purok.

Sa tag-araw nanghihina ang hangin hanggang sa 2–7 m/s, binabaligtad, at nagdadala mainit at mahalumigmig na hangin mula sa Hilagang Pasipiko hanggang sa pangunahing lupain ng Asya. Ang pinakainit na buwan ay Agosto na may mga temperatura ng 15 °C sa hilaga at 25 °C sa timog. Dumadami ang presipitasyon mula sa 310–500 mm sa hilaga-kanluran hanggang sa 1,500–2,000 mm sa timog-silangan.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.