Dagat Patay
Ang Dagat Patay[1][2] o Dagat Alat[2] ay isang lawang nakalatag sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan. Sa 418 m (1,371 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat, ito ang pinakamababang bahaging nasa ibabaw ng mundo.[3] Halos siyam na ulit na mas maalat ito kaysa dagat.[3] Napakaalat ng Dagat Patay kaya't imposible sa karamihan sa mga may buhay na umiral dito. Ito ang dahilan kung bakit ganito ang pangalan o tawag dito. Subalit, hindi naman ito lubos na patay o walang buhay dahil may ilang uri ng bakteryang nakakapamuhay sa katubigan nito. Dahil napakaalat ng tubig ng lawang ito, mas mabigat ito kaysa tubig-tabang, at madaling nakalulutang ang isang tao na may kaginhawahan. Pumupunta ang mga turista sa Dagat Patay upang makalutang sa tubig nito at maenjoy ito.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Almario, Virgilio, pat. (2010). "Dagat Patay, Dead Sea". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Dagat Patay, Dagat Alat". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 26. - ↑ 3.0 3.1 Dead Sea Naka-arkibo 2009-10-28 sa Wayback Machine. Encarta.msn.com], nakuha noong 9 Oktubre, 2007
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.