Paghahating Kanluranin

Pagkakahati sa loob ng Simbahang Katoliko mula 1378 hanggang 1417
(Idinirekta mula sa Dakilang Paghahating Kanluran)

Ang Paghahating Kanlurarin (Ingles: The Western Schism), tinatawag ding Pagkakahati-hati sa kapapahan (Ingles: Papal Schism) ay isang pagkakahati-hati na naganap sa loob ng Simbahang Katolika Romana na nagtagal mula 1378 hanggang 1417. Tatlong laláki ang sabay-sabay na nag-angkin sa kapapahan at nagsabing sila ang tunay na Papa. Nahimok ng politika imbis na alitang teolohiko, ang pagkakahati-hati ay tinapos ng Konsilyo ng Constance (1414–1418). Ang tunggalian sa trono ng Papa ay nakasira sa reputasyon ng katungkulan. Ang pangyayaring ito ay tinatawag ding Dakilang Paghahati (Ingles: Great Schism), bagama't ang terminong ito ay mas karaniwang ginagamit para sa Paghahati ng Silangan-Kanluran (1054) sa pagitan ng mga simbahang kanluranin, na sumagot sa See of Rome, at ng mga simabahang ortodokso ng Silangan.

Map showing support for Avignon (red) and Rome (blue) during the Western Schism; this breakdown is accurate until the Council_of_Pisa (1409), which created a third line of claimants. Caution: this map is highly inaccurate in some regions and borders, see Talk page and here.

Pinagmulan

baguhin

Ang Pagkakahati-hati (Schism) sa loob ng Simbahang Katolika Romana ay nagbunga mula sa pagbabalik ng kapapahan sa Roma sa ilalim ni Papa Gregorio XI noong 17 Enero 1377,[2] na nagtapos sa Kapapahan ng Avignon, na nagbigay ng isang reputasyon ng korapsiyon na nagpahiwalay sa mga pangunahing bahagi ng Kanluraning Kristiyanismo. Ang reputasyong ito ay maaaring iugnay sa mga persepiyon ng namamayaning impluwensiyang Pranses at sa pagsisikap ng kuryang (curia) papal na palawakin ang kapangyarihang magtaguyod at dagdagan ang kinikita nito.

Matapos ang kamatayan ni Papa Gregory XI noong 1378, ang mga Romano ay nagprotesta upang masiguro na isang Romano ang mahahalal bílang Papa. Noong 8 Abril 1378, naghalal ang mga kardinal ng isang Napolitano dahil walang kandidatong Romano ang nagpepresenta sa kanilang sarili. Hinalal si Papa Urbano VI, ipinanganak na Bartolomeo Prignano, ang Arsobispo ng Bari. Si Urbano ay isang ginagalang na tagapangsiwa sa kanselaryong papal (papal chancery) sa Avignon, pero bílang Papa siya ay naging kahina-hinala, repormista, at lubhang naging mainitin ang ulo. Maraming kardinal na naghalal sa kaniya ang nagsisi dahil sa kanilang desisyon, umalis ang karamihan mula Roma papuntang Anagni, kung saan, kahit na si Urbano pa rin ang naghahari, inihalal nila si Roberto ng Ginebra (Robert of Geneva) bílang katunggaling Papa noong 20 Setyembre 1378. Pinili ni Roberto ang pangalang Antipapa Clemente VII at muling nagtatag ng isang korteng papal sa Avignon. Ang pangalawang halalan na ito ang nagdala sa Simbahan tungo sa kaguluhan. Nagkaroon ng mga antipapa—katunggaling nag-aangkin sa kapapahan—dati, ngunit ang karamihan sa kanila ay hinirang ng iba't ibang katunggaling pangkatin; sa kasong ito, isang pangkat ng mga pinúnò ng Simbahan ang naghalal sa Papa at sila rin sa antipapa.

Resolusyon

baguhin

Sa wakas, isang konsilyo ang tinipon ng Pisanong papa na si Juan XXIII noong 1414 sa Constance upang maresolba ang gusot. Itinaguyod din ito ni Gregory XII, ang kahalili ni Innocent VII sa Rome, kayâ nasisiguro ang pagkalehitimo ng lahat ng halalan. Siniguro ng konsilyo, dahil sa payo ng teologong si Jean Gerson, ang pagbibitiw sa puwesto nina Juan XXIII at Gregory XII, na nagbitiw naman noong 1415, habang ineekskomulgado si Benedict XIII, ang nag-aangkin na tumangging magpatalo. Hinalal ng konsilyo si Papa Martin V noong 1417, na nagtapos sa pagkakahati-hati. Gayon pa man, hindi pa rin kinilala ng Crown of Aragon si Martin V at patuloy na kinikilala si Benedict XII. Hinalal ng mga arsobispong tapat kay Benedict XIII si Antipapa Benedict XIV (Bernard Garnier) at tatlo pang tagasunod ang sabay-sabay na naghalal kay Antipapa Clemente VIII, ngunit ang Paghahating Kanluranin ay talagang tapós na. Bumabâ sa puwesto si Clemente VIII noong 1429 at tila kinilala na si Martin V.

Ang linya ng mga Romanong papa ay kinikilala na ngayon bílang lehitimong linya, pero ang pagkalito mula sa bahaging ito ay tumuloy hanggang sa ika-19 dantaon. Ipinasyo ni Papa Pius II (namatay noong 1464) na walang apila ang puwedeng mangyari sa pagitan ng papa at konsilyo; kung kayâ walang natiráng paraan upang mapawalang-bisa ang pagkahalal ng isang papa kundi ang papa mismo. Walang ganitong krisis noong ika-15 dantaon, kayâ walang dahilan upang muling tingnan ang desisyong ito. Ang mga iba pang nag-aangkin sa kapapahan ay nakilala sa kasaysayan bílang mga antipapa. Ang mga sa Avignon ay hindi kinilala ng Roma noon pa man, pero ang mga Pisanong papa ay sináma sa Annuario Pontificio bílang mga papa hanggang sa ika-20 dantaon. Kung kayâ ang papang Borgia na si Papa Alejandro VI ay nagkaroon ng regnal name na ito dahil sa Pisanong si Alejandro V.

Ang pagbitiw sa puwesto ni Gregory XII noong 1415 ang pinakahulíng pagkakataon na ang papa ay bumitiw sa puwesto bago ang pagbitiw sa puwesto ni Papa Benedict XVI noong 2013.