Si Dama Jane Seymour, na sa Ingles ay Lady Jane Seymour (sirka 1541-1561), ay isang maimpluwensiyang Inglesang manunulat noong ika-16 na daantaon sa Inglatera, kasama ang kanyang mga kapatid na babaeng sina Dama Margaret Seymour at Anne Seymour, Kondesa ng Warwick.[1] Siya ay anak na babae ni Edward Seymour, Unang Duke ng Somerset, na mula 1547 ay ang Panginoong Tagapagprutekta ng Inglatera pagkalipas ng kamatayan ni Henry VIII at noong pagkabata (pagkamenor de edad) ng pinsang buo ni Jane na si Edward VI. Kaya't siya ay pamangking babae ng pangatlong asawa ni Henry VIII na si Reyna Jane Seymour, na maaaring napagkuhanan ng kanyang pangalan. Siya lamang ang nag-iisang saksi sa lihim na pagpapakasal ng kanyang kapatid na lalaking si Edward kay Dama Catherine Grey (isang potensiyal na tagapagmana ni Elizabeth I) noong 1560. Pagdaka ay namatay siya pagkaraan ng isang taon, sa gulang na 20, na maaaring dahil sa tuberkulosis.

Dama Jane Seymour
Kapanganakan1541 (Huliyano)
Kamatayan19 Marso 1561 (Huliyano)
MamamayanKaharian ng Inglatera
Trabahomanunulat

Magawi na gumagawang magkakasama ang magkakapatid na babaeng mga Seymour, na ang kanilang pinaka tanyag na akda ay ang isang kalipunan ng 103 mga distich na nasa wikang Latin para sa puntod ni Margaret de Valois, reyna ng Navarre at isa ring babaeng may-akda, na nalathala noong 1550.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Oxford Dictionary of National Biography, "Seymour, Lady Jane (1541–1561), writer", ni Jane Stevenson


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.