Dambuhalang Pulang Batik
Ang Dambuhalang Pulang Batík (Great Red Spot sa Ingles) ay isang rehiyong may mataas na presyur sa atmospera ng Hupiter, na kinatatangian ng isang bagyong pinakamalaki sa sistemang solar. Namumukod-tangi ang penomenong ito sa Hupiter dahil sa kulay nitong pula-kahel na ang pinagmulan ay di pa rin batid. Matatagpuan sa 22 digri timog latitud ng Hupiter, mayroon itong lakas ng hanging aabot sa 432 km kada oras (km/o). Pinaniniwalaang una itong nakita sa pagitan ng 1665 o hanggang 1713, at kung sakali, ibig sabihin nito'y umiiral na ito sa nakalipas na tatlong daang taon.[1] Gayunman, tiyak nang natukoy na ito noon pang Setyembre 1831 at mula 1878 ay tuloy-tuloy nang inoobserbahan.[2][3]
Kasaysayan ng pagmamasid
baguhinMga unang obserbasyon
baguhinMaaaring umiral na ang Dambuhalang Pulang Batik bago pa ang taong 1665, ngunit ang kasalukuyang batik ay unang naiulat lang noong 1830 at mas masinsing naaral noon lang 1879 matapos ang mas malinaw na paglitaw nito. Maaring ibang bagyo ang nakita noong ika-17 dantaon sa naiulat na bagyo noong ika-19 dantaon na umiiral pa rin hanggang ngayon.[4] May mahabang agwat sa pagitan ng 1830 kung kailan nagsimula ang kasalukuyang pag-aaral dito sa naiulat na pagkakatuklas nito noong ika-17 dantaon. Hindi tiyak kung ang orihinal na batik ay nalusaw at muling nabuo, kung ito ay kumupas, o kung ang tala ng mga obserbasyon ay hindi lang maayos.[5]
Obserbasyon sa huling bahagi ng ika-20 siglo at kasalukuyan
baguhinNoon lang 25 Pebrero 1979[6] nang unang makakuha sa malapitan ng larawan ang Dambuhalang Pulang Batik ng sasakyang pangkalawakan na Voyager 1 sa layong 9,200,000 kilometro (5,700,000 mi) mula sa Jupiter. Mas detalyado ang mga larawan nito, kung saan maging ang mga bahagi nitong kasinliit lang ng 160 kilometro (100 mi) ay maaaring makita. Muling nakuhaan din ito ng litrato ng sasakyang pangkalawakan na Galileo mga halos dalawang dekada ang nakararaan.[7]
Ang isang mas maliit na lugar, na tinawag na Oval BA, ang nabuo noong Marso 2000 mula sa pagsasama ng tatlong puting habilog[8] na sa kalauna'y naging mapula-pula ang kulay. Pinangalanan ito ng mga astronomo na Little Red Spot (Munting Pulang Batik) o Red Jr. (Pulang Batik Jr.) sa Ingles.
Noon namang 2017, dumaan malapit sa ibabaw ng Dambuhalang Pulang Batik ang sasakyang pangkawalakan na Juno, na sumipat ng ilang larawan ng bagyo mula sa layong humigit-kumulang 8,000 km sa tuktok nito.[9] [10] Sa panahon ng pag-iral ng misyon ng Juno, tuloy-tuloy ang naging pagkuha ng datos hinggil sa katangian ng atmospera ng Hupiter, kasama na ang Dambuhalang Pulang Batik nito.
Mekanikal na dinamiks
baguhinUmiikot nang pakaliwa ang Dambuhalang Pulang Batik kung saan ang isang kompletong pag-ikot nito ay inaabot ng katumbas ng halos 4.5 araw sa Daigdig [11] o 11 araw ng Hupiter. Mas malaki ng 1.3 beses sa lapad ng Daigdig ang lapad ng Dambuhalang Pulang Batik na may sukat na 16,350 kilometro (10,160 mi). [9] Ang tuktok ng mga ulap ng bagyong ito ay nasa 8 km sa itaas ng mga nakapalibot na ulap.[12] Kaya kayang umiral ng bagyo sa nakalipas na mga siglo ay dahil sa kawalan ng magaspang na ibabaw ng Hupiter (mantel lamang ng idrohino ang meron) na maaaring kumiskis at magpalusaw rito; walang harang o bagay na kumukontra sa angular momentum ng mga umiikot na hangin.[13]
Matagal nang ipinahiwatig ng infrared data na ang Dambuhalang Pulang Batik ay mas malamig (at sa gayon ay mas mataas ang altitud) kaysa sa karamihan ng iba pang mga ulap sa planeta. [14] Gayunman, ang bahagi ng itaas na atmospera sa ibabaw ng bagyo ay may mga temperaturang 1,600 K (1,330°C) na kondiserableng mas mataas kaysa sa iba pang bahagi ng planeta sa kaparehong altitud.
Panloob na istruktura at lalim
baguhinNakakuha ng datos ng grabidad at thermal infrared sa kapaligiran ng batik ang sasakyang pangkalawakan ng NASA na Juno noong 2016 na nakapagbigay-silip sa katangiang istruktural at lalim nito.[15][16] Noong Hulyo 2017, dumaan muli ang Juno sa ibabaw ng batik upang mangolekta ng mga along microwave na lumalabas dito para malaman kung gaano kalalim umaabot ang Dambuhalang Pulang Batik patungo sa suson ng Hupiter na binubuo ng malapot na tubig.[17] Batay sa katangian ng mga microwave na ito, natantyang aabot sa 240 km paibaba ng mga ulap nito ang lalim ng bagyo, na may tinatayang pagbaba sa 100 bar ng presyur ng atmospera.[18][19]
Ang pinakamataas na konsentrasyon ng pospina (PH3) at amonya (NH3) ay matatagpuan sa hilagang gilid ng Dambuhalang Pulang Batik. Nakatulong ang pagmanman sa mga kemikal na ito upang masundan at matukoy ang patimog na paggalaw ng mga hangin nito at sa pagpapakita ng katunayan na mayroong pagtaas sa altitud ng haligi ng mga gaas na ito na may presyur na sumasaklaw sa pagitan ng 200-500 millibar.[20] [21]
Ang lalim ng Dambuhalang Pulang Batik at panloob na istruktura nito ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng mga dekada,[22] gayunpaman, wala pa ring lohikal na paliwanag kung bakit ito ay may 200–500 km na lalim bagaman ang mga hanging na nagbibigay ng puwersa na nagpapagalaw sa alimpuyo (vortex) nito ay nasa mas malalim na bahagi ng istruktura nito. [22] [20]
Kulay at komposisyon
baguhinHindi batid kung ano ang sanhi ng mapula-pulang kulay ng Dambuhalang Pulang Batik. Batay sa mga eksperimento sa laboratoryo, maaaring dulot ito ng radiyasyong ultrabiyolet mula sa araw na nakikipagreaksyon sa ammonium hydrosulfide [23] at ang kompuwestong organiko na acetylene, na lumilikha ng isang mapula-pulang materyal ng kompuwestong organiko na tinatawag na tholin. [24] Ang mataas na altitud ng mga kemikal na ito ay maaari ring may ambag sa kulay nito. [25]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Staff (2007). "Jupiter Data Sheet – SPACE.com". Imaginova. Nakuha noong 2008-06-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Denning, William Frederick (Hunyo 1899). "Early history of the great red spot on Jupiter". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society (sa wikang Ingles). Royal Astronomical Society. 59 (10): 574. Bibcode:1899MNRAS..59..574D. doi:10.1093/mnras/59.10.574.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chang, Kenneth (2017-12-13). "The Great Red Spot Descends Deep Into Jupiter". The New York Times. Nakuha noong 2017-12-15.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Karl Hille (2015-08-04). "Jupiter's Great Red Spot: A Swirling Mystery". NASA. Nakuha noong 2017-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beebe (1997), 38-41.
- ↑ Smith et al (1979), 951-972.
- ↑ "Galileo - In Depth". NASA Solar System Exploration. Nakuha noong 2023-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sanchez-Lavega, A.; atbp. (Pebrero 2001). "The Merger of Two Giant Anticyclones in the Atmosphere of Jupiter". Icarus. 149 (2): 491–495. Bibcode:2001Icar..149..491S. doi:10.1006/icar.2000.6548.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Perez, Martin (2017-07-12). "NASA's Juno Spacecraft Spots Jupiter's Great Red Spot". NASA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-15. Nakuha noong 2017-07-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chang, Kenneth (2016-07-05). "NASA's Juno Spacecraft Enters Into Orbit Around Jupiter". The New York Times. Nakuha noong 2017-07-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rogers, John (2008). "The accelerating circulation of Jupiter's Great Red Spot". Journal of the British Astronomical Association. 118 (1): 14–20. Bibcode:2008JBAA..118...14R. Nakuha noong 2022-08-28.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jupiter, the Giant of the Solar System. 1979. p. 5.
{{cite book}}
:|work=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jupiter's Atmosphere and Great Red Spot". www.astrophysicsspectator.com. Nobyembre 24, 2004.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rogers (1995), 191.
- ↑ Parisi, Marzia; Kaspi, Yohai; Galanti, Eli; Durante, Daniele; Bolton, Scott J.; Levin, Steven M.; Buccino, Dustin R.; Fletcher, Leigh N.; Folkner, William M.; Guillot, Tristan; Helled, Ravit (2021-11-19). "The depth of Jupiter's Great Red Spot constrained by Juno gravity overflights". Science (sa wikang Ingles). 374 (6570): 964–968. Bibcode:2021Sci...374..964P. doi:10.1126/science.abf1396. ISSN 0036-8075. PMID 34709940. S2CID 240153766.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fletcher, Leigh N.; Orton, G. S.; Mousis, O.; Yanamandra-Fisher, P.; Parrish, P. D.; Irwin, P. G. J.; Fisher, B. M.; Vanzi, L.; Fujiyoshi, T.; Fuse, T.; Simon-Miller, A. A. (2010-07-01). "Thermal structure and composition of Jupiter's Great Red Spot from high-resolution thermal imaging". Icarus (sa wikang Ingles). 208 (1): 306–328. Bibcode:2010Icar..208..306F. doi:10.1016/j.icarus.2010.01.005. ISSN 0019-1035.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parisi, Marzia; Kaspi, Yohai; Galanti, Eli; Durante, Daniele; Bolton, Scott J.; Levin, Steven M.; Buccino, Dustin R.; Fletcher, Leigh N.; Folkner, William M.; Guillot, Tristan; Helled, Ravit (2021-11-19). "The depth of Jupiter's Great Red Spot constrained by Juno gravity overflights". Science (sa wikang Ingles). 374 (6570): 964–968. Bibcode:2021Sci...374..964P. doi:10.1126/science.abf1396. ISSN 0036-8075. PMID 34709940. S2CID 240153766.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parisi, Marzia; Kaspi, Yohai; Galanti, Eli; Durante, Daniele; Bolton, Scott J.; Levin, Steven M.; Buccino, Dustin R.; Fletcher, Leigh N.; Folkner, William M.; Guillot, Tristan; Helled, Ravit (2021-11-19). "The depth of Jupiter's Great Red Spot constrained by Juno gravity overflights". Science (sa wikang Ingles). 374 (6570): 964–968. Bibcode:2021Sci...374..964P. doi:10.1126/science.abf1396. ISSN 0036-8075. PMID 34709940. S2CID 240153766.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fletcher, Leigh N.; Orton, G. S.; Mousis, O.; Yanamandra-Fisher, P.; Parrish, P. D.; Irwin, P. G. J.; Fisher, B. M.; Vanzi, L.; Fujiyoshi, T.; Fuse, T.; Simon-Miller, A. A. (2010-07-01). "Thermal structure and composition of Jupiter's Great Red Spot from high-resolution thermal imaging". Icarus (sa wikang Ingles). 208 (1): 306–328. Bibcode:2010Icar..208..306F. doi:10.1016/j.icarus.2010.01.005. ISSN 0019-1035.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 Fletcher, Leigh N.; Orton, G. S.; Mousis, O.; Yanamandra-Fisher, P.; Parrish, P. D.; Irwin, P. G. J.; Fisher, B. M.; Vanzi, L.; Fujiyoshi, T.; Fuse, T.; Simon-Miller, A. A. (2010-07-01). "Thermal structure and composition of Jupiter's Great Red Spot from high-resolution thermal imaging". Icarus (sa wikang Ingles). 208 (1): 306–328. Bibcode:2010Icar..208..306F. doi:10.1016/j.icarus.2010.01.005. ISSN 0019-1035.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morales-Juberías, Raúl; Dowling, Timothy E. (2013-07-01). "Jupiter's Great Red Spot: Fine-scale matches of model vorticity patterns to prevailing cloud patterns". Icarus (sa wikang Ingles). 225 (1): 216–227. Bibcode:2013Icar..225..216M. doi:10.1016/j.icarus.2013.03.026. ISSN 0019-1035.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 22.0 22.1 Parisi, Marzia; Kaspi, Yohai; Galanti, Eli; Durante, Daniele; Bolton, Scott J.; Levin, Steven M.; Buccino, Dustin R.; Fletcher, Leigh N.; Folkner, William M.; Guillot, Tristan; Helled, Ravit (2021-11-19). "The depth of Jupiter's Great Red Spot constrained by Juno gravity overflights". Science (sa wikang Ingles). 374 (6570): 964–968. Bibcode:2021Sci...374..964P. doi:10.1126/science.abf1396. ISSN 0036-8075. PMID 34709940.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jupiter's Great Red Spot: A Swirling Mystery". NASA. Agosto 4, 2015.
Goddard scientists Mark Loeffler and Reggie Hudson have been performing laboratory studies to investigate whether cosmic rays, one type of radiation that strikes Jupiter's clouds, can chemically alter ammonium hydrosulfide to produce new compounds that could explain the spot's color.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Loeffer, Mark J.; Hudson, Reggie L. (2018). "Coloring Jupiter's clouds: Radiolysis of ammonium hydrosulfide (NH4SH)". Icarus. 302: 418–425. Bibcode:2018Icar..302..418L. doi:10.1016/j.icarus.2017.10.041.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What makes Jupiter's Red Spot red?". EarthSky. 2014-11-11. Nakuha noong 2019-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)