Damián Domingo
Si Damián Domingo y Gabor (12 Pebrero 1796 – 26 Hulyo 1834) ay isang Pilipinong pintor. Itinatag ni Domingo ang opisyal na Akademya ng Sining ng Pilipinas sa kanyang tahanan sa Tondo noong 1821.[1][2]
Damián Domingo | |
---|---|
Kapanganakan | Damián Domingo y Gabor 12 Pebrero 1796 |
Kamatayan | 27 Hulyo 1834 | (edad 38)
Nasyonalidad | Pilipino |
Edukasyon | Faustino Quiotan? Sariling-sanay |
Kilala sa | Pintor |
Kilalang gawa | Tipos de Pais |
Patron(s) | Sociedad Económica de los Amigos del País Daniel Baboom |
Talambuhay
baguhinSinimulan ni Damian Domingo ang kanyang karera bilang pintor na nagdadalubhasa sa maliit na larawan ng mga tao at makarelihiyosong mga larawan. Gumawa rin siya ng isang album ng mga litrato ng mga kasuotang katutubo na ginawa niya upang makabenta sa mga kolektor. Ang kanyang talento ay nagdulot na maging isa sa mga pinakasikat at hinahanap na tagalikha ng sining sa Pilipinas sa kanyang panahon si Domingo. Si Domingo ay kinikilala sa kasaysayan ng sining Pilipino at kinikilala bilang tagairal ng pagaaral sa sining sa Pilipinas.[3]
Ambag sa Sining Pilipino
baguhinAng mga ambag ni Damian Domingo sa pagusbong ng sining sa Pilipinas bilang isang larangang akademiko ay malaki. Gumawa siya ng isang mahalagang galaw patungo sa pagtupad ng kanyang pangarap na mas mapalapit ang sining sa masa noong 1821 noon itinatag niya ang isang paaralan para sa mga tagalikha ng sining sa kanyang tahanan sa Tondo. Ito ay isang napakalaking yapak para sa larangan ng sining sa Pilipinas. Pinagmasdan niya ang paglaki at pagusbong ng sining sa kapuluan bilang direktor ng kaunaunahang opisyal na akademya ng sining ng Pilipinas. Ang akademya ay marahil ang pinakauna sa buong Asya na nagturo ng Kanluraning mga pamamarahan sa perspektibong foreground, middle-ground, at background. Pinagaralan rin ang ibang mga banyagang pamamaraang pangsining sa akademya na nakatulong sa isang bagong henerasyong ng mga Pilipinong tagalikha ng sining. Nang nagbukas ang isa pang paaralang pangsining, ang Academia de Dibujo, na nagbukas sa 1823, si Domingo ay inalok na maging guro sa paaralan ng mga tagatagtag nito, ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Royal Economic Society of the Friends of the Country). Nanilbihan rin bilang direktor rin si Domingo ng akademya.[3]
Sa termino ni Domingo bilang direktor, ipinakilala ni Domingo ang isang polisiya na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Indio, na dating nakakaranas ng mababang patingin ng lipunan. Ang mga pamamaraang panturo at ang kurikulum ay sumailalim rin sa mga pagbago. Ang mga mag-aaral ay sinimulang turuan ng pamamaraan sa pagguhit ng still life at ng anyo ng tao. Tinuruan rin ng akademya ang mga mag-aaral sa kulay at sa paghahanda ng mga kalatagan at sa pagpinta gamit ng langis at aquarelle. Nakaranas sana ng mas malalaking pagbabago ang akademya kung hindi namatay ng maaga si Domingo sa gulang lamang na 38 anyos. Hindi napantili ng akademya ang matataas na pamantayan na pinairal ni Domingo at nagsara rin noong 1834. Sa ilang taon na si Domingo ay na sa akademya, nakapagsanay rin ang pamantasan ng ilang mga Pilipinog tagalikha ng sining na sinanay sa Kanluraning kaugalian sa sining The academy wasn't able to maintain the high standards Domingo had set, and subsequently closed in 1834. The few years that Domingo was at the academy did manage to produce some of the earliest Filipino artists trained in Western artistic traditions.[3]
Mga Pinta ni Damián Domingo
baguhin-
Sariling-larawan
-
Upuan ni San Pedro sa Roma (Catedra de San Pedro en Roma)
-
Ang Inang Mahal ng Rosario (Nuestra Señora del Santisimo Rosario)
-
Larawan ni Don José María Peńarada
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Biography of Artist Damian Domingo" (sa wikang Ingles). Geringerart.com. Nakuha noong 2013-12-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.ayalamuseum.org/index.php?option=com_ayala_content&task=viewexhibitpage&id=7
- ↑ Umakyat patungo: 3.0 3.1 3.2 "Damian Domingo:The First Great Filipino Artist". Ayala Foundation, Inc. Nakuha noong 21 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)