Damocratis
- Huwag ikalito kay Democritus.
Si Servilius Damocrates, Democrates, Damocrates, o Damocratis (Griyego: Δαμοκράτης, Δημοκράτης) ay isang sinaunang Griyegong manggagamot sa Roma noong gitna hanggang huling ika-1 daantaon CE. Maaaring natanggap niya ang unang pangalan o praenomen na "Servillius" mula sa kanyang pagiging isang kliyente ni Servilius o ng Servilia gens. Tinatawag siya ni Galen bilang άριστός ἰατρός,[1] at sinabi ni Pliny[2] na siya ay isang "e primis medentium," at iniuugnay[3] ang kanyang pagbibigay-lunas kay Considia, ang anak na babae ni Marcus Servilius. Nagsulat siya ng ilang mga gawang pangpamarsiyotiko na nas iambikong taludturang Griyego, kung saan nananatili na lamang sa kasalukuyan ang mga pamagat at ilang mga sipi napangalagaan ni Galen.[4] Sa kanyang panggagamot, gumamit si Damocratis ng elektuwaryo na naglalaman ng 100 mga sangkap.[5]
Sanggunian
baguhin- Naglalaman ang lathalaing ito ng mga teksto mula sa dominyong publikong Diksyunaryo ng Griyego at Romanong Talambuhay at Mitolohiya ni William Smith (1870).
- ↑ Galen, De Ther. ad Pis., c. 12, tomo xiv.
- ↑ Pliny, H. N., xxv. 49
- ↑ Pliny, H. N., xxiv. 28
- ↑ Galen, De Compos. Medicam. sec. Locos., v. 5, vii. 2, viii. 10, x. 2, tomo xii., tomo xiii.; De Compos. Medicam. sec. Gen., i. 19, v. 10, vi. 12, 17, vii. 8, 10, 16, tomo xiii.; De Antid. i. 15, ii. 2, atbp., 15, tomo. xiv.
- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Electuary of Damocratis". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 185.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.