Daniel Radcliffe
Si Daniel Jacob Radcliffe (ipinanganak noong 23 Hulyo 1989)[1] ay isang Ingles na artista, prodyuser, at mang-aawit. Kilala siya sa pagganap kay Harry Potter sa seryeng pelikulang Harry Potter sa kaniyang pagbibinata at maagang pagtanda.
Daniel Radcliffe | |
---|---|
Kapanganakan | Daniel Jacob Radcliffe 23 Hulyo 1989 Londres, Inglatera |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1999–kasalukuyan |
Mga gawa | Buong talaan |
Parangal | Buong talaan |
Pirma | |
Ipinanganak at lumaki sa Londres, nagsimula ang pag-arte ni Radcliffe noong siya ay 10 taong gulang sa pelikula sa telebisyon ng BBC One na David Copperfield (1999), na sinundan ng kaniyang debut sa sinehan sa The Tailor of Panama (2001). Sa parehong taon, siya ay gumanap sa Harry Potter and the Philosopher's Stone. Sa susunod na 10 taon, ginampanan niya ang nangungunang papel sa pitong sumunod na pelikula, na nagtatapos sa Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2 (2011). Sa panahong ito, si Radcliffe ay naging isa sa pinakamataas na binabayarang artista sa buong mundo, nakakuha ng katanyagan sa buong mundo, kasikatan, at kritikal na pagkilala, at nakatanggap ng maraming gantimpala sa kaniyang pagganap sa serye.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Daniel Radcliffe". Internet Broadway Database. Nakuha noong 16 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Daniel Radcliffe sa IMDb
- Daniel Radcliffe at the Internet Broadway Database