Dario III

(Idinirekta mula sa Darius III)

Si Dario III (m. 380–Hulyo 330 BK), orihinal na nagngangalang Artashata at tinawag na Codomannus ng mga Griyego,[1] ang huling hari ng Imperyong Akemenida ng Persiya mula 336 BK hanggang 330 BK. Inangkin ni Artashata ang Darius bilang isang pangalang pandinastiko.[1]

Dario III
Hari ng Persa
Hari ng Babilonya
Paraon ng Ehipto

Detalye ni Dario III mula sa Mosaic ni Alejandro
Hari ng Persa
Panahon 336–330 BK
Sinundan Artaxerxes IV Arses
Sumunod Artaxerxes V Bessus
Paraon ng Ehipto
Panahon 336–332 BK
Sinundan Artaxerxes IV
Sumunod Alejandro ang Dakila
Asawa Stateira I
Anak Stateira II
Drypetis
Lalad Dinastiyang Akemenida
Ama si Arsames ng Ostanes
Ina Sisygambis
Kapanganakan c. 380 BK
Persiya
Kamatayan Hulyo 330 BK (edad 49 o 50)
Bactria
Libingan Persepolis
Pananampalataya Zoroastrianismo

Ang kanyang imperyo ay hindi matatag, na may malalaking bahagi na pinangangasiwaan ng mga naninibugho na mga satrapa at tinitirhan ng mga hindi nasisiyahan at rebeldeng mga pinamamahalaan.

Noong 334 BK, sinimulan ni Alejandro ang Dakila ang pagsalakay niya sa Imperyong Persa at kalaunan ay natalo ang mga Persa sa ilang bilan ng mga labanan bago ang pagnanakaw at pagsira sa kabisera ng Persepolis sa pamamagitan ng pagsunog noong 330 BK. Sa ilalim ng kontrol ni Alejandro sa Imperyong Persa, nagpasiya si Alejandro na tugisin si Dario. Gayunpaman bago siya maabutan ni Alejandro, pinatay si Dario ng satrapa na si Bessus, isang pinsan niya.

Maagang buhay

baguhin

Si Artashata ay anak na lalaki ni Arames, anak na lalaki ni Ostanes; at ni Sisygambis, anak na babae ni Artaxerxes II Mnemon. Nakilala siya sa isang labanan ng mga kampeon sa isang digmaan laban sa mga Cadusii[2] at naglingkod noong panahon bilang isang maharlikang tagdala.[3] Gayunpaman, bago itinalaga bilang isang maharlikang tagapagdala, nagsilbi siya bilang isang satrapa ng Armenia.[4][5] Maaaring tumaas ang ranggo niya mula sa kanyang satrapiya sa paglilingkod sa koreo matapos ang pag-akyat ni Arses sa luklukan, sapagkat siya ay tinutukoy bilang isa sa mga "kaibigan" ng hari sa korte matapos ang okasyon na iyon.[5]

Noong 336 BK, kinuha niya ang luklukan sa edad na 43 matapos ang pagkamatay nina Artaxerxes III at Arses. Ayon sa Griyegong historyador na si Diodorus ng Sicilia, si Artashata ay itinalaga ng bisyer na si Bagoas, matapos lasunin ng huli ang haring si Artaxerxes III at sumunod ang kanyang mga anak, kasama si Arses, na humalili sa kanya sa trono. Subalit, ang isang tableta ng kuneiporme (ngayong nasa Museong Briton) ay nagpapahiwatig na si Artaxerxes ay namatay mula sa mga natural na sanhi.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Heckel, Waldemar (2002). The Wars of Alexander the Great (sa wikang Ingles). p. 24. ISBN 978-1841764733. Nakuha noong 19 Hunyo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Justin 10.3; cf. Diod. 17.6.1–2
  3. Plutarch, Life of Alexander 18.7–8, First Oration on the Fortune or the Virtue of Alexander, 326.D.
  4. Kia, Mehrdad (2016). The Persian Empire: A Historical Encyclopedia (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 160. ISBN 978-1610693912.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Darius v. Darius III". Encyclopaedia Iranica, Vol. VI, Fasc. 1 (sa wikang Ingles). 1994. pp. 51–54. {{cite ensiklopedya}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lendering, Jona. "Artaxerxes IV Arses" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Mayo 2008. Nakuha noong 8 Hunyo 2008. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong); Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)