Ang daster, binabaybay sa Ingles bilang duster, ay maaaring tumukoy sa:

  • basahang pamunas ng alikabok; tinatawag ding pamispis, pamaspas (huwag ikalito sa palaspas), plumero, o pamalis (huwag ikalito sa pamalisan).
  • ispongha o pangkalat ng pulbo.
  • daster (damit), kasuotang pambahay ng isang babae.
  • daster (ng mekaniko), damit na pang-ibabaw upang huwag marumihan ang nakapailalim na kasuotan.
  • daster (ng pintor) (Ingles: smock), kasuotang pang-ibabaw upang hindi marumihan o mapuno ng pintura ang damit na nasa ilalim.