Si David Reimer (22 Agosto 1965 – 5 Mayo 2004) ay isang Kanadyano na ipinanganak na isang malusog na lalaki ngunit inilipat ng ibang kasarian at pinalaking parang babae pagkatapos na masira ang kanyang ari dulot ng isang aksidente sa pagtutuli. Pinaniwalaan ng isang sikolohistang si John Money na ang paglilipat ng kasariang ginawa kay Reimer ay matagumpay at iniulat n’ya pang ito ay ebidensiya na ang pagkakakilanlan sa kasarian ay natututunan. Iniulat naman ng isang sikolohistang si Milton Diamond pagkatapos na hindi na babae ang pagkakakilanlan kay Reimer sa edad na 9 hanggang 11.2 Nagsimula na rin siyang mamuhay bilang lalaki sa edad na 15. Isinapubliko ni Reymer nang lumaon ang kanyang kuwento upang hindi na maulit ang ganoong mga uri ng medikal na gawi. Sa huli ay nagpakamatay din siya dahil sa ilang taon ng depresyon, problemang pinansiyal, at problemang mag-asawa.

Kasaysayan

baguhin

Ipinanganak si David Reimer na may kakambal sa Winnipeg, Manitoba. Pinangalanan siyang Bruce at ang kanyang kakambal, Brian. Pagkaanim na buwan matapos makakita ng kakaiba sa kanilang pag-ihi ay nalaman na sila ay may tinatawag na phimosis. Dahil dito ay pinatuli agad sila sa gulang na 8 buwan. Noong 27 Abril 1966, isang urolohista ang nagsagawa ng operasyon sa pamamagitan ng isang hindi kumbensiyonal na paraan ang cauterization. Sa kasamaang palad ay hindi nasunod ang plano ng mga doktor at nasunog ang titi ni Reimer na hindi na maaayos pa.3

Sa pag-aalala sa hinaharap ng anak bilang may asawa, dinala ng magulang si Reimer sa Johns Hopkins Hospital sa Baltimore para magkonsulta kay John Money, isang sikolohistang nangunguna sa larangan ng pagpapaunlad at pagkilanlan ng kasarian. Si Money ay sikat na tagasulong ng ‘theory of Gender Neutrality’ na nagsasabing ang pagkakakilanlang pangkasarian ay napapaunlad sa pamamagitan ng pagkatuto sa kapaligiran simula bata at maaaring mabago ang mga ito sa pamamagitan ng interbensiyon sa pag-uugali. Nakita ng mga Reimer si Money sa isang panayam sa programang This Hour Has Seven Days kung saan tinalakay niya ang kanyang mga teorya ukol sa kasarian. Si Money at iba pang mga doktor na may kinalaman sa mga batang ipinanganak na may problema sa ari ay naniniwala na hindi mapapalitan ang titi ngunit ang puki ay maaaring maikabit sa pamamagitan ng operasyon. Naniniwala rin silang magiging mas tagumpay na babae si Reimer kaysa lalaki.4

Hinimok nila ang magulang ni Reimer na ipasailalim siya sa isang ‘sex reassignment surgery’ at sa gulang na 22 buwan, isinailalim siya sa orchidectomy upang alisin ang kanyang testes. Pinalaki siyang babae at pinangalanang Brenda. Patuloy na sinusuportahan ni Money si Reimer, patuloy ang konsultasyon taon-taon para rin mataya ang mga resulta. Ito ay isang balidong test case para sa konsepto ng gender identity sa dalawang dahilan. Una, ang kakambal nitong si Brian ay isang mainam na kontrol dahil hindi lamang pareho ang kanilang genes, pareho din ang kapaligiran kung saan sila pinapalaki. Pangalawa, ito ang kauna-unahang pagkakataon na isingawa ang ganitong operasyon sa sanggol na hindi naman abdormal ang ari.

Sa proseso ay pinupwersa ni Dr. Money ang kambal na gumawa ng mga sekswal na bagay tulad ng ‘thrusting movements’ na si David ang ‘bottom role’. Naaalala pa ni David na noong bata ay pinapagawa sila ng iba’t ibang sekwal na position tulad ng pagpapabukaka sa kanya habang nasa ibabaw niya si Brian.4 Pinipilit din silang hubadin ang kanilang mga damit at magkaroon ng ‘genital inspections’.4 May isang beses pa na kinunan ni Dr. Money ng larawan ang dalawa habang pinapagawa niya ang mga ganoong bagay.4 Naniniwala si Dr. Money na ang ganitong mga gawain (‘childhood sexual rehearsal play’) ay makakatulong upang paunlarin ang kanilang gender identity ‘pag sila ay tumanda.

Sa ilang taon ay nagbibigay ng report si Dr. Money sa matagumpay na pag-unlad ng babaeng kasarian ni David. Sinulat pa nga niya na talaga daw nagpapakita ng mga pambabaeng ugali si David kaiba ng kanyang kakambal na sadyang lalaking lalaki. Ngunit ayon sa isang tala ng dating mag-aaral sa laboratory ni Dr. Money, sa mga bisitang ginagawa ng doctor ay nagsisinungaling ang mga magulang ni David tungkol sa tagumpay ng prosesong ginawa sa kanilang anak. Ang kakambal na si Brian ay napatunayan ding ‘shizophrenic’.

Ang mga bisita ni Reimer sa Baltimore ay ‘traumatic’ sa halip na ‘therapeutic’, at nang simulang pilitin ni Dr. Money na palagyan ng puki si Reimer ay tinigil na nila ang pagbisita dito. Simula 22 buwan hanggang sa magbinata ay umiihi siya gamit ang butas sa tiyan na inilagay ng mga nag-opera sa kanya. Binibigyan siya ng estrogen para lumaki ang kanyang dibdib. Bilang hindi na sila bumibisita kay Dr. Money, hindi na muli naglabas ang doktor ng publikasyon ukol sa kaso ni Reimer kahit na ayung nagsasabing hindi naging matagumpay ang ginawang ‘sex reassignment’. Sa account ni Reimer na isinulat ni John Colapinto dalawang dekada ang nakaraan, isinaad na hindi talaga namuhay na parang babae si Reimer hindi katulad ng isinaad ni Dr. Money sa kanyang mga reports. Inaapi at kinukutya siya ng kanyang mga kaklase. Hormones man o mga pambabaeng damit ay hindi nakakapagparamdam sa kanya ng pagkababae. Sa edad na 13 ay nakakaramdam siya ng depresyon at kung muli daw siyang iharap kay Dr. Money ay magpapakamatay na siya. Noong 1980 ay inilahad sa kanya ang katotohanan na siya ay sumailalim sa isang “gender reassignment”. Sa edad na 14 ay sinubukan niyang magpakalalaki at tinawag ang kanyang sarili na David. Noong 1997 ay sinubukan niyang baliktarin ang epekto ng ‘reassignment’ sa pamamagitan ng pagsailalim sa ilang operasyon at pagtuturok ng testosterone. Pinakasalan din niya si Jane Fontaine at naging ama-amahan sa tatlong anak nito.

Nabigyan ng internasyonal na atensiyon ang kanyang istorya noong 1997 nang ikuwento niya ito sa isang ‘academic sexologist’, si Milton Diamond. Nagpaalam si Diamond na ilahad sa publiko ang istorya ni Reimer para maiwasang muli ang ganitong mga pamamaraan sa medisina. Pagkatapos nito ay lumabas na sa publiko si Reimer at inilimbag ang istorya sa magasing Rolling Stone noong Disyembre 1997.5 Muli pang inilahad ang istorya sa isang libro, Ang Nature Made Him: The Boy Who Was Raised as a Girl.4

Pagkamatay

baguhin

Dagdag pa sa komplikadong relasyon ni Reimer sa kanyang mga magulang, kelangan rin niyang maghirap sa kawalan ng trabaho at sa pagkamatay ng kanyang kakambal na si Brian dahil sa sobrang pag-inom ng antidepressants noong 2002. Noong 2 Mayo 2004 ay nakipaghiwalay muna ang kanyang asawa. Masyadong naapektuhan si Reimer ng pangyayaring ito. Noong Mayo 5 ay nakatanggap si Jane ng isang tawag galing sa pulisya na natagpuan ang katawan ng asawa ngunit ayaw ipaalam ang kinalalagyan nito. 2 oras ang nakaraan ay tumawag muli ang mga pulis at ipinaalam na nagpakamatay nga ang asawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo.

Epekto ng Istorya ni David Reimer sa Lipunan

baguhin

Ang mga report at mga libro tungkol sa pangyayari sa buhay ni Reimer ay nakaapekto sa medisina at sa mga pag-aaral ukol sa kasarian. Pinababa rin nito ang mga kaso ng ‘reassignment’ at ang paglalagay ng ibang ari sa sanggol.

Sinuportahan nito ang mga argumento sa ‘hormones’ bilang isang maimpluwensiya (influential) na bagay sa pagkakilanlan ng kasarian. Nagkaroon din ng mga pag-aalinlangan sa mga doktor sa kanilang kaalaman sa ‘genital reconstructive surgery’ at sa kung saan nga ba angkop na gamitin ito. Itinuturing ng Intersex Society of North America, na tumututol sa ‘involuntary sex reaassignment’. na isang ‘cautionary tale’ sa kung bakit hindi maaaring palitan ang ari ng isang bata nang wala siyang kaalam-alam.7

Ayon sa libro ni Colapinto ay nagkaroon ng hindi kaaya-ayang resulta ang ‘therapy sessions’ noong bata pa si Reimer na nagpapahiwatig na binalewala ni Money ang mga ebidensiyang hindi maganda o hindi tagumpay ang nangyaring ‘reassignment’ kay Reimer. Ngunit sinasabi naman ng mga tagasuporta ni Money na resulta lamang ang mga iyon ng ‘false memory syndrome’8 o kaya naman ay nagsinungaling ang pamilya ni Reimer sa mga tagapagsaliksik.

baguhin

• Ang Chicago Hope season 6 episode "Boys Will Be Girls" (2000) ay base sa buhay ni Reimer at ang karapatan ng isang bata upang palakihing isang lalaki.9

• Ang Law & Order: Special Victims Unit season 6 episode "Identity" (2005) ay base sa buhay ni David at Brian Reimer at ang pagsailalim nila sa paggamot ni Dr. Money.9

• Sa 2007 album Reunion Tour, isang awit na kinanta ng The Weakerthans na may titulong "Hymn of the Medical Oddity" ay pinukaw ng buhay ni David Reimer.10

• Ang dokumentaryong BBC TV series Horizon ay nagbase ng dalawang episodyo sa kanyang buhay, ang "The Boy who was Turned into a Girl" (2000)11 at ang "Dr. Money and the Boy with No Penis" (2004).12,1

• Isang kabanatang pinamagatang Doing Justice to Someone: Sex Reassignment and Allegories of Transsexuality mula sa 2004 na libro Undoing Gender, na isinulat ng isang pilosopong peminista na si Judith Butler, ay binibigyang-pansin ang kaso ni David Reimer.

• Ang ikawalong episody ng Mental, "House of Mirrors" (2009) ay tumatalakay sa istorya ni Reimer.10

• Isang nobela ng Brazil, ang Chocolate com pimento, ay may isang tauhang base sa katauhan ni David Reimer.

Sanggunian

baguhin

1. ^ a b Dr. Money And The Boy With No Penis Retrieved 24 Disyembre 2010.

2. ^ Diamond, M., Sigmundson, K. (1997). Sex Reassignment at Birth: Long-term Review and Clinical Implications. Archives of Pediatrics & Adolescent Medicine, 151(3), 298–304

3. ^ "David Reimer: The boy who lived as a girl". CBC News. July, 2002. Retrieved 2006-01-20.

4. ^ a b c d e f g h Colapinto, J (2001). As Nature Made Him: The Boy Who Was Raised as a Girl. Harper Perennial. ISBN 0-06-092959-6. Revised in 2006

5. ^ Colapinto, John (1997-12-11). "The True Story of John/Joan". Rolling Stone: pp. 54–97.

6. ^ Colapinto, J (2004-06-03). "Gender Gap: What were the real reasons behind David Reimer's suicide?". Slate. Retrieved 2009-02-13.

7. ^ Intersex Society of North America | A world free of shame, secrecy, and unwanted genital surgery

8. ^ Burkeman, Oliver (2004-05-12). "Being Brenda". London: Guardian Unlimited. Retrieved 2010-05-01. Retrieved 19 Disyembre 2005

9. ^ a b c "Treatment of Circumcision on TV". Retrieved 2009-02-01.

10. ^ Barclay, M. "The Weakerthans: Time is on John K. Samson’s side". SOCAN. Retrieved 2009-02-01.[dead link]

11. ^ "The Boy who was Turned into a Girl". BBC. Retrieved 2009-10-06.

12. ^ "Dr Money and the Boy with No Penis". BBC. Retrieved 2009-10-06.