Ang dawag o tinikan (Ingles: thistle) ay isang uri ng halamang matinik.[1][2] Ito ang mga pangkaraniwang pangalan para sa isang pangkat ng mga halamang namumulaklak na may katangian ng pagkakaroon ng mga dahong may matatalim na mga tinik sa mga gilid. Karamihan sa kanila ang kabilang sa pamilyang Asteraceae. Kalimitang lumilitaw ang mga tinik sa kabuoan ng halaman, partikular na sa mga kapatagan ng mga tangkay at patag na mga bahagi ng mga dahon. Isa itong uri ng adaptasyon upang mapagsanggalang ng halaman ang kanyang sarili laban sa mga hayop na herbiboro o kumakain ng mga halaman. Dahil sa mga tinik nito, hindi nahihikayat ang hayop na kainin ang halamang dawag.

Ang dawag na Benus o Cirsium occidentale ay isang uri ng halamang tinikan.

Sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Thistle - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Thistle, dawag, tinikán". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.