De minimis
Ang de minimis ay salitang Latin na nagngangahulugang "tumutukoy sa pinakamaliit na mga bagay", karaniwang makikita sa mga salitang de minimis non curat praetor ("Hindi ginugugol ng mahistrado ang kaniyang sarili sa mga bagay na walang kabuluhan") o de minimis non curat lex ("Hindi ginugugol ng batas ang sarili nito sa mga bagay na walang kabuluhan"), isang paniniwalang ligal na kung saang hindi isinasaalang-alang ng isang hukuman ang maliit na mga bagay.[1][2] Pumanig si Cristina, Reyna ng Suwesya (namuno 1633–1654), sa isang kawangis na kasabihang Latin na aquila non capit muscās (hindi hinuhuli ng agila ang mga langaw).[3]
Nagsimula ang ligal na kasaysayan ng de minimis sa ika-15 dantaon.[4]
Nagkaroon ng samo't-saring mga kahulugang espesyalisado sa samo't-saring mga konteksto ang pangkalahatang salitang ito. Nagpapahiwatig ito na sa ilalim ng isang tiyak na mababang lebel, ituturing na hindi gaanong mahalaga ang isang kantidad at tinatrato ayon sa iisang pamatayan o proporsyon.
Mga halimbawa ng paglalapat ng prinsipyong de minimis
baguhinKarapatang-sipi
baguhinPaminsan-minsan, hindi paiiralin ng mga hukuman ang karapatang-sipi sa binagong-anyo na pampublikong dominyong materyal kapag maituturing na de minimis ang mga pagbabago.[5] Sa katulad na paraan, ibinasura ng mga hukuman ang mga kasong hinggil sa paglabag sa karapatang-sipi sa dahilang maliit na halaga lamang ang paggamit ng umano'y lumabag sa karapatang-sipi ng isang likhang protektado ng karapatang-sipi kaya maituturing itong de minimis, tulad ng pagsasampol ng musika. Halimbawa, de minimis lamang at hindi lumalabag sa karapatang-sipi ang pagsali sa mga larong bidyo ng NBA 2K ng mga tatuwahe ni LeBron James na protektado ng karapatang-sipi sa rekreasyon ng mga pagkakawangis ng mga manlalaro.[6] Subalit sa Bridgeport Music, Inc. v. Dimension Films, binaligtad ang gayong pasya sa pag-apela; tuwirang hindi kinalala ng hukuman ng apelasyon ng Estados Unidos ang pamantayang de minimis para sa dihital na pagsasampol.[7]
Maaring gamitin bilang pagtatanggol sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-sipi sa India ang prinsipyong de minimis non curat lex. Ang mahalagang usapin ay kung maaaring gamitin bilang hiwalay na depensa ang prinsipyong de minimis sa halip na patas na paggamit sa ilalim ng seksiyong 52 ng Batas ng Karapatang-ari ng India. Tinalakay ng hukuman ang kaangkupan ng prinsipyong de minimis sa India TV Independent News Service Pvt. Ltd. and Ors. v Yashraj Films Pvt. Ltd.. Bago ang kasong ito, hindi malinaw ang prinsipyong ito hinggil sa paglalapat nito. Ang buong katotohanan ay ang pagkopya ng limang mga salitang buhat sa isang awit na may limang taludtud. Pagkaraang inilapat ang limang mga salik na kadalasang isinasaalang-alang ng nga hukom sa paglalapat ng de minimis, dumating sa resulta ang hukuman na napakaliit lamang ang pagsuway sa karapatang-sipi at pumapasa sa depensang de minimis.[8][9][10]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ehrlich, Eugene (1987) [1985]. Amo, Amas, Amat and More. New York: Harper Row. p. 100. ISBN 978-0-06-272017-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Garner, Bryan A. (editor-in-chief) (1999). Black's Law Dictionary (ika-7th (na) edisyon). St. Paul, Minnesota: West Publishing. p. 443.
{{cite book}}
:|first1=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Walter Keating Kelly (1869), A Collection of the Proverbs of All Nations
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Max L. Veech & Charles R. Moon, "De Minimis Non Curat Lex", 45 Michigan Law Review. 537, 538 (1947) (quoting Thomas Branch, Principia Legis et Æquitatis 36 (William Waller Hening ed., T. H. White, 4th London ed. 1824))
- ↑ Webbink, M.; Johnny, O.; Miller, M. (2010). "Copyright in Open Source Software – Understanding the Boundaries". International Free and Open Source Software Law Review. 2. doi:10.5033/ifosslr.v2i1.30.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gardner, Eriq (Marso 29, 2020). "'NBA 2K' Publisher Beats Copyright Suit Over LeBron James' Tattoos". The Hollywood Reporter. Nakuha noong Marso 29, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heins, Marjorie (Setyembre 21, 2004). "Trashing the Copyright Balance". The Free Expression Policy Project. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-12. Nakuha noong 2021-10-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andrew Inest, "A Theory of De Minimis and a Proposal for Its Application in Copyright", 21 Berkeley Technology Law Journal, 945 (2006)
- ↑ "Is It Fair (Use)? De Minimis As Defense In Copyright Infringement". IR Global (sa wikang Ingles). Agosto 14, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 29, 2020. Nakuha noong Abril 8, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Interns, Intepat (Hulyo 29, 2020). "The Role of De Minimis in Copyright Law". Intepat IP (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 8, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- May kaugnay na midya ang De minimis sa Wikimedia Commons
- Wilde, Larry (1982). The Official Lawyers Joke Book. Bantam. p. 20. ISBN 9780553201116.
Limerick: There was a young lawyer named Rex / Who was sadly deficient in sex. / Arraigned for exposure / He said with composure, / 'De minimis non curat lex.'
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)