Deirdre
Si Deirdre ay isang bayaning babae sa mitolohiya at alamat ng hindi pa Kristiyanong Irlanda. Batay sa panitikang Irlandes, nagkaroon ng hula na magdadala ang kanyang kagandahan ng parusang pagpapalayas at kamatayan sa mga bayani. Dahil dito itinago siya ni Haring Conchobar hanggang sa dumating ang panahong maaari na niyang pakasalan si Deirdre. Subalit hindi sinasadyang nakita at umibig si Deirdre kay Naoise. Dinala ni Naoise si Deirdre sa Eskosya. Sa paglalakbay na ito, isinama ni Naoise ang kanyang mga kapatid na lalaki. Sinugo ni Haring Conchobar ang mandirigmang si Fergus sa Eskosya upang kuhanin at maibalik sina Deirdre. Napatay ang tatlong magkakapatid. Sa kalaunan, namatay si Deirdre dahil sa pagdadalamhati.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Deirdre". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 381.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.