Delusyon ng kadakilaan

Ang mga delusyon ng kadakilaan o grandiose delusions (GD) o delusions of grandeur ay isang uri ng diperensiyang delusyonal (maling paniniwala) na umiiral sa mga pasyenteng dumaranas ng mga sakit sa pag-iisip kabilang ang 2/3 ng mga may diperensiyang bipolar, 1/2 ng may schizophrenia at malaking bahagi ng may diperensiya sa pag-abuso ng substansiya.[1] Ang mga mayroong delusyon ng kadakilaan ay inilalarawan ng mga paniniwalang pantastikal na sila ay napaka-sikat, napaka-yaman, napaka-talino o napaka-makapangyarihan. Ang mga delusyong ito ay may temang supernatural, science fictional o relihiyoso.

Isang cartoon na naglalarawan ng phenomenon ng paranoya. Ang mga indibidwal na may delusyon ng kadakilaan ay maling naniniwala ng kanilang kadakilaan o superioridad sa kanilang isipan.

Mga sintomas

baguhin

Ayon sa DSM-IV-TR diagnostic criteria para sa diperensiyang delusyonal, ang mga sintomas ng uring-kadakilaan ay kinabibilangan ng lumabis na paniniwala ng kahalagahan ng sarili, kapangyarihan,[2] kaalaman, identidad, eksepsiyonal na ugnayan sa Diyos o isang sikat na tao.[3] Halimbawa nito ang isang pasyente na nainiwala sa kanilang sarili bilang isang hari na kailangang itratong hari.[4]

May mga iba ibang antas ng kadakilaan sa mga iba ibang pasyente. Ang ilan ay naniniwalang sila ay Diyos, tapagligtas, isang pinili, anak ng presidente, sikat na artista, dakilang imbentor at iba pa.[5]

Ang mga delusyong nagpapalawig ay maaaring napapanatili ng mga halusinasyong naririnig na napgpapayo sa kanila na sila ay mahalaga halimbawa ay nagbibigay ng paglalarawan ng kanilang koronasyon bilang hari o kasal sa isang hari.

Ang mga delusyon ng kadakilaan ay kadalasang nagsisilbing positibo para sa meron nito sa pagtustos o pagpapataas ng kanilang pagtingin sa sarili.[2]

May dalawang mga salaysay sa pagtatamo ng delusyon ng kadakilaan:[6] Ito ay maaaring

  • depensa o pagtatanggol ng isipan laban sa mababang pagtingin sa sarili o self esteem at depresyon
  • resulta ng isang lumabis na mga emosyon.

Diagnosis

baguhin

Ang mga delusyon ng kadakilaan ay nangyayari sa mga pasyenteng may sindromang nauugnay sa mania gaya ng Huntington's disease,[7] Parkinson's disease,[8] at Wilson's disease.[9]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders Fourth edition Text Revision (DSM-IV-TR) American Psychiatric Association (2000)
  2. 2.0 2.1 Nelson, H.E. (2005). Cognitive-Behavioural Therapy with Delusions and Hallucinations: A Practice Manual. Nelson Thornes. p. 339. ISBN 9780748792566. Nakuha noong 5 Agosto 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sadock, B. J.; Sadock V.A. (2008). Kaplan and Sadock's Concise Textbook of Clinical Psychiatry. Lippincott Williams & Wilkins. p. 752.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Davies, J.L.; Janosik E.H. (1991). Mental Health and Psychiatric Nursing: A Caring Approach. Boston, MA: Jones & Bartlett Learning. p. 760.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Casey, P.R.; Brendan K. (2007). Fish's Clinical Psychopathology: Signs and Symptoms in Psychiatry. UK: RCPsych Publications. p. 138.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link].
  6. Smith, N.; Freeman D., Kuipers E. (2005). "Grandiose Delusions: An Experimental Investigation of the Delusion as Defense". Journal of Nervous and Mental Disease. 193 (7): 480–487. PMID 15985843.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. McHugh, P.R; Folstein, M.F (1975). "Psychiatric syndromes in Huntington's chorea". Psychiatric Aspectes of Neurological Disease. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Bromberg, W. (1930). "Mental states in chronic encephalitis". Psychiatric Quarterly. 4: 537–566.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pandy, R.S.; Sreenivas, K.N., Paith N.M., Swamy H.S. (1981). "Dopamine beta-hydroxylase in a patient with Wilson's disease and mania". The American Journal of Psychiatry. 138 (12): 1628–1629. PMID 7304799.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)