Dentin
Ang dentin, dentino, o dentina (mula sa Ingles na dentin o dentine, at Kastilang dentina) ay ang bahagi ng isang ngiping nasa loob at ilalim ng esmalte o enamel. Tinataglay nito ang puwang ng sapal at kanal ng ugat.[1] Ito ang matigas at tila-marpil o parang garing na sustansiyang bumubuo sa pangunahing bulto o katawan ng isang piraso ng ngipin.[2]
Kayarian
baguhinBinubuo ang dentin ng komposisyong kimikal na katulad ng nasa mga buto ng tao subalit maliit lamang ang kayarian o istruktura nito. May laman itong malaking bilang ng napakaliliit na mga nagsasangang mga tubong lumalabas mula sa uka ng pulpo o sapal ng ngipin papunta sa kalatagan ng mismong dentin. Naglalaman ang mga tubong nabanggit ng mga kahabaan ng sapal ng ngipin. Kapag nalantad, maaaring maging sensitibo o maselan ang pandama ng dentin.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Dentine - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Dentine". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 218-219.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.