Almasen

(Idinirekta mula sa Department store)

Ang almasen (Ingles: department store) ay isang establisyemento ng pagtitingi na nag-aalok ng mga iba't ibang paninda sa mga iba't ibang dako ng pamilihan. Pinag-eespesiyalistahan ng bawat dako ("departamento") ang isang kategorya ng produkto. Sa mga makabong malalaking lungsod, biglang lumitaw ang mga almasen sa kalagitnaan ng ika-19 na dantaon, at muling ibinago ang mga ugali sa pamimili at ang kahulugan ng serbisyo at karangyaan. Makikita ang ganitong pagsusulong sa Londres (with Whiteleys), sa Paris (Le Bon Marché) at sa New York (Stewart's).[1]

Loob ng Le Bon Marché sa Paris

Ngayon, nilalaman ang mga almasen ng mga sumusunod: damit, muwebles, home appliance, laruan, kosmetiko, kagamitang pambahay, panghahardin, gamit sa banyo, gamit sa palakasan, sariling-yari (do-it-yourself), pintura, at hardware. Bilang karagdagan, isinasama rin ang mga ibang linya ng produkto tulad ng pagkain, libro, alahas, elektronika, kagamitan sa pagsusulat, kagamitan sa potograpiya, produktong pansanggol, at produktong pang-alagang hayop. Karaniwan, nagbabayad ang mga mamimili sa harapan ng tindahan sa mga almasen ng diskuwento (discount department store), habang ang mga mas sosyal at tradisyonal na almasen ay may lugar na pinagbabayaran sa bawat departamento. Ang ilang almasen ay isa sa marami sa grupo ng tingian (retail chain), habang independiyenteng nagtitingi ang iba.

Noong dekada 1970, dumanas ang mga ito ng matinding panggigipit mula sa mga nagdidiskuwento, at dumanas ng mas matinding panggigipit mula sa mga sayt ng e-commerce mula 2010.

Sanggunian

baguhin
  1. Barth, Gunther (1980). "The Department Store" [Ang Almasen]. City People: The Rise of Modern City Culture in Nineteenth-Century America [Mga Tao ng Lungsod: Ang Pagbangon ng Makabagong Kulturang Panlungsod sa Amerika ng Ikalabinsiyam na Siglo] (sa wikang Ingles). pp. 110–47. ISBN 9780199771981.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)