Dharamsala
Ang Dharamsala (Hindi: धर्मशाला, Tibetano: དྷ་རམ་ས་ལ) ay isang siyudad at ang punong himpilan ng distrito ng Kangra sa estado ng Himachal Pradesh sa India.
Dharamshāla Dharamsala, Dhramshala, Dramsala, Dramshala | |||
---|---|---|---|
| |||
Palayaw: Munting Lhasa | |||
Lokasyon ng Dharamsala sa Himachal Pradesh. | |||
Bansa | India | ||
Estado/Rehiyon | Himachal Pradesh | ||
Distrito | Kangra | ||
Panimula | 1860 | ||
Opisyal na pagtatatag | 1959 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Ipinatapong pamahalaan | ||
• Gobernador ng Himachal Pradesh | Prabha Rau | ||
• Punong Ministro ng Himachal Pradesh | Prem Kumar Dhumal | ||
• Dalai Lama | Lhamo Döndrub | ||
• Kalon Tripa | Prof. Lobsang Tenzin | ||
• Karmapa[1] | Ogyen Trinley Dorje Trinley Thaye Dorje | ||
Lawak | |||
• Lupa | 29 km2 (11 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2001) | |||
• Kabuuan | 19, 034 | ||
• Pangunahing wika | Hindi, Tibetano, Ingles, Tsino | ||
Kodigo ng lugar | 850000 | ||
Websayt | http://dharamsalanet.com/ |
Ang bayan ng McLeod Ganj sa hilagang Dharamsala ay kilala sa pagiging sentro ng mga turo ng Dalai Lama KK[2] Tenzin Gyatso na nagaganap taun-taon. Ito rin ang lugar ng panirahan at punong himpilan ng ipinatapong pamahalaan ng Tibet na pinamumunuan naman ng punong ministro (Kalon Tripa) Samdhong Rimpoche[3] na mayroong representasyon sa parlemento ng estadong Himachal Pradesh. Sa kasalukuyan, dito nananahan ang Dalai Lama, dalawang Karmapa ng sektang Karma-Kagyu[1], ang ilang lama ng Tibet, at iba pang mga takas na Tibetanong taon-taon ay lumilikas mula sa Xizang Ziziqhu patungong Dharamsala.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Ang kontrobersiya sa pagpili ng Karmapa ay nang kilalanin ng malayang tagapagkilala ng sektang Karma-Kagyu si Trinley Thaye Dorje bilang Karmapa, habang nakilala naman ng Ikalabing-apat na Dalai Lama si Ogyen Trinley Dorje. Walang basehan sa sekta ng Karma-Kagyu na kailangan silang kilalanin ng Gelugpa, karagdagan pa na si Trinley Dorje ay isinilang sa Tsina (Tibet) at si Thaye Dorje ay sa Dharamsala.
- ↑ salin mula sa Ingles ng HH (His Holiness), na nangangahulugang Kanyang Kabanalan
- ↑ Maaari ring Lobsang Tenzin o Sahphuc Rinpoche.