Dharma, mula sa Sanskrit, nangangahulugang "Batas", "Landas" o "Katotohanan". Ito ay isang konseptong pilosopikal na may malalim na kahulugan. Ginagamit ang terminolohiyang ito ng mga relihiyon partikular na yaong mga nagugat sa Indiya. Kabilang sa mga relihiyong ito ang Hinduismo (Sanatana Dharma: "Walang hanggang Dharma"), at Budismo (Buddha Dharma: "Dharma ng Naliwanagan" o "Dharma ng Gising") at mga iba't-ibang sekta na nagugat sa mga relihiyong ito.

Konsepto ng Dharma ayon sa iba't-ibang relihiyon baguhin

Jainismo baguhin

Ang Jainismo o Jain Dharma (जैन धर्म), ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Jainismo ay si Vardhaman na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Jain:

  1. karalitaan (Aparigraha)
  2. kabirhenan (Brahmacharya)
  3. katapatan (Asteya)
  4. katotohanan (Satya)
  5. kawalang-karahasan (ahimsa)

Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyon ng mga Jain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.