Lalawigan ng Kamphaeng Phet

(Idinirekta mula sa Diamond Wall)

Ang Lalawigan ng Kamphaeng Phet (กำแพงเพชร) ay isang lalawigan (changwat) sa Thailand.

Lalawigan ng Kamphaeng Phet

กำแพงเพชร
Watawat ng Lalawigan ng Kamphaeng Phet
Watawat
Opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Kamphaeng Phet
Sagisag
Lokasyon sa Thailand
Lokasyon sa Thailand
Bansa Thailand
KabiseraKamphaeng Phet
Pamahalaan
 • GobernadorWitthaya Phio-phong
Lawak
 • Kabuuan8,607.5 km2 (3,323.4 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-22
Populasyon
 (2000)
 • Kabuuan674,027
 • RanggoIka-35
 • Kapal78/km2 (200/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Kodigong pantawag(+66) 55
Kodigo ng ISO 3166TH-62
Websaytkamphaengphet.go.th

Heograpiya

baguhin
 
Larawan ng Pista ng Saging

Ang pangunahing ilog ng lalawigan ay ang Ilog ng Ping, isa sa mga nagbubuo sa Ilog ng Chao Phraya. Ang kapatagan sa tabi ng ilog ang bumubuo sa silangang bahagi ng lalawigan, samantalang ang kanluran naman ay kadalasang mabundok at magubat.

Isa sa mga pinakakilalang produkto ng lalawigan ay ang saging. Ang Pista ng Saging ay ginaganap bawat taon sa lalawigan upang pasalamatan ang mga diyos ng ani.

Kasaysayan

baguhin

Ang Kamphaeng Phet ay isa nang dakilang lungsod noong ika-14 na dantaon sa Kaharian ng Sukothai, na kilala noon sa lumang pangalan na Chakangrao. Naging mahalagang bahagi ito sa sistema ng depensa ng kaharian, pati na rin sa Kaharian ng Ayutthaya.

Sagisag

baguhin
Ang Panlalawigang Sagisag na nagpapakita ng mga bakod ng lungsod, tulad ng kahulugan ng pangalan ng lungsod na Diamanteng Bakod. Ipinapakita ng sagisag ng lalawigan ang mga bakod ng lungsod sapagkat ang kahulugan ng pangalan ng lungsod ay diamond wall.

Pagkakahating Administratibo

baguhin
 
Mapa ng Amphoe

ANg lalawigan ay nahahati sa 9 na distrito (Amphoe) at 2 mas maliit na distrito (King Amphoe). Ang mga ito ay hinati pa sa 78 na communes (tambon) at 823 mga barangay (muban).

Amphoe King Amphoe
  1. Mueang Kamphaeng Phet
  2. Sai Ngam
  3. Khlong Lan
  4. Khanu Woralaksaburi
  5. Khlong Khlung
  1. Phran Kratai
  2. Lan Krabue
  3. Sai Thong Watthana
  4. Pang Sila Thong
  1. Bueng Samakkhi
  2. Kosamphi Nakhon

Mga Kawing Panlabas

baguhin