Diberhensiya (matematika)
Sa kalkulong bektor, ang diberhensiya (divergence) ay isang operator ng bektor na sumusukat sa magnitudo ng pinagmulan (source) o sink ng isang field na bektor sa isang ibinigay na punto sa termino ng sinenyasang (signed) skalar. Sa mas teknikal na paglalarawan, ang diberhensiya ay kumakatawan sa bolyum na densidad ng panlabas na flux ng isang field na bektor mula sa isang inpinetesimal na bolyum sa palibot ng ibinigay na punto. Halimbawa, sa isang hangin habang ito ay umiinit o lumalamig, ang nauukol na field na bektor ang belosidad ng gumagalaw na hangin sa isang punto. Kung ang hangin ay umiinit sa isang rehiyon, ito ay lalawak sa lahat ng mga direksiyon upang ang mga belosidad ng mga puntong field ay magkaroon ng positibong halaga. Kung ang hangin ay lumalamig at umuurong, ang diberhensiya ay negatibo at ang rehiyon ay tinatawag na sink.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.