Pakikipaghiwalay
Ang pakikipaghiwalay[1] o paghihiwalay ng magkasintahan ay isang pagtatapos o pagputol ng isang karaniwan nang matalik na ugnayan o napakapersonal na relasyon sa pamamagitan ng anumang uri o paraan bukod sa pagkakait o iwanang nangungulila ang isang taong dating minamahal. Tinatawag na paghihiwalay ng mag-asawa ang pakikipaghiwalay kapag mag-asawa ang nagwakas ng ugnayan ng pag-iibigan. Halimbawa ng paraan ng paghihiwalay ng mag-asawa ang diborsiyo at separasyong legal. Kakapusan sa pera ang kadalasang rason nito. Ang kakapusan sa pinansyal ay nagdudulot ng masamang epekto sa paglipas ng panahon. Isa na sa problemang hatid nito ay ang paghihiwalay ng mag-asawa o kilala sa tawag na diborsyo. Dahil sa kakulangan sa pera, nahihirapang tugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya. Ito rin ang nagtutulak sa mag-asawa na wasakin ang pamilyang nabuo at magkanya-kanyang buhay o kaya ay maghanap ng bagong makakasama. Ito karaniwang dahilan ng pagtatalo na nauuwi sa pisikal na pananakit na siyang nagtutulak sa paghihiwalay ng dalawang magkabiyak.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pag-ibig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.