Dictionary of American English
Ang A Dictionary of American English on Historical Principles (dinadaglat na DAE) ay isang talahuluganan ng mga kataga na lumilitaw sa wikang Ingles sa Estados Unidos na inilathala ng University of Chicago Press na mayroong apat na mga tomo mula 1938 hanggang 1944.[1][2][3] Nilalayong ipagpatuloy nito kung saan nahinto ang Oxford English Dictionary, tinatalakay nito ang mga salita at mga parirala ng Ingles na Amerikano na ginagamit mula sa unang mga maliliit na mga pamayanang Ingles sa Amerikano magpahanggang sa simula ng ika-21 daantaon.
Kasaysayan
baguhinAng akda ay sinimulan ni William A. Craigie noong 1925. Ang unang tomo (bolyum) ay lumitaw noong 1936 sa ilalim ng pamamatnugot nina Craigie at James R. Hulbert,[4] isang propesor ng Ingles sa Pamantasan ng Chicago. Ang unang edisyong may apat na mga tomo ay nakumpleto sa tulong ni George Watson at Allen Walker Read.
Ang akda ay isa sa mga napagkunan para sa Dictionary of Americanisms, humigit-kumulang noong 1952, na inihanda sa ilalim ng pangangasiwa ni Mitford Mathews. Isang kahalintulad, ngunit hindi kaugnay na akdang moderno, na pinamagatang Dictionary of American Regional English, ay kasalukuyang tinitipon upang magpakita ng kaibahan sa mga diyalekto.
Mga tomo
baguhin- I. A-Corn patch.
- II. Corn pit-Honk.
- III. Honk-Record.
- IV. Recorder-Zu-zu, Bibliography (p. 2529-2552)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Library of Congress LCCN Permalink for 39008203". lccn.loc.gov. Nakuha noong Pebrero 14, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John Davidson (Oktubre-Disyembre, 1940). "A Dictionary of American English on Historical Principles". The Sewanee Review. The Johns Hopkins University Press. 48 (4): 544–546. JSTOR 27535715.
{{cite journal}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Short Notices". The Review of English Studies. Oxford University Press. XIII (50): 221–222. 1962. doi:10.1093/res/XIII.50.221.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ University of Chicago Library, Special Collections Research Center, Guide to the James R. Hulbert Papers,1912–1936 [1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Wika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.